Daniel Matsunaga and Erich Gonzales break up?

IMAGE Noel Orsal

Nag-aalala ang fans nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales sa balitang hiwalay na diumano ang dalawa. Inamin ni Daniel na may pinagdadaanan sila ngayon, pero kataka-takang binura na ni Erich sa Instagram ang mga larawan nilang magkasama ni Daniel.


Palaisipan sa mga tagahanga ng reel- at real-life couple na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, o mas kilala sa bansag na #DanRich, ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Burado na kasi sa Instagram account ni Erich, 26, ang lahat ng larawan nila ni Daniel, 28.

Naka-private na rin ngayon ang IG account ng Kapamilya actress.

Ikinabahala ito ng DanRich fans, kaya inuulan ngayon ng mga katanungan at mensahe si Daniel sa kanyang Instagram account.

Pero ayon sa Pinoy Big Brother All In winner, mayroon lamang silang pinagdadaanan ni Erich at kasalukuyan nila itong inaayos.

Mensahe ng Brazilian-Japanese model-actor sa kanyang followers sa Instagram:

"Guys I would like to ask a favor pls... we are talking and going through some personal things... all we need is your support and love... not trash talking... we love you all with no limit and we just need some respect and time. thank you. God bless you guys."


Nakiusap naman ang ilang DanRich fans na huwag munang husgahan ang dalawa.

Ayon sa isang fan, maayos pa rin ang relasyon nina Daniel at Erich.


Taong 2015 nang umamin sina Daniel at Erich tungkol sa kanilang relasyon.

Nagsimula ang maganda nilang pagtitinginan nang magkasama sila sa dating teleserye ng ABS-CBN na Two Wives (2014-2015).

Madalas din silang maging guests sa defunct morning program ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kris TV.

Sa show rin ni Kris inamin at ikinuwento nina Daniel at Erich ang kanilang pag-iibigan.

Read: Daniel Matsunaga ends speculations about relationship with Erich Gonzales: “Yes, she’s my girlfriend now.”

Muli silang nagtambal sa daytime series na Be My Lady noong 2016.


Stories We Are Tracking

<p>Daniel and Erich post sweet photos on Instagram</p>

Daniel and Erich post sweet photos on Instagram

<p>Daniel on breakup of Erich and non-showbiz BF: Not my fault&l

Daniel on breakup of Erich and non-showbiz BF: Not my fault&l

<p>Daniel finally confirms relationship with Erich</p>

Daniel finally confirms relationship with Erich

<p>Daniel Matsunaga sees forever with Erich Gonzales</p>

Daniel Matsunaga sees forever with Erich Gonzales



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN