Dennis Padilla bonds with daughter Julia Barretto and his other children

IMAGE Instagram photo of Dennis Padilla

Dennis Padilla posted this photo with daughter Julia Barretto on Instagram.


Sa kabila ng kanyang busy schedule, nakahanap pa rin ng oras si Julia Barretto para makasama ang kanyang amang si Dennis Padilla.

Ibinahagi ni Dennis ang larawan nila ng kanyang dalagang anak sa Instagram kagabi, January 31.

Ang tanging caption ng Alyas Robin Hood actor ay ito: “with duduy.”

with duduy

A photo posted by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

Noong nakaraang linggo lamang ay nag-post din si Dennis ng larawan niya kasama ang mga anak nila ng ex-wife niyang si Marjorie Barretto—sina Julia, Claui, at Leon.

Sa caption, sinabi ng comedian: “time flies..... sana maulit muli...”

time flies..... sana maulit muli... julia , claui n leon

A photo posted by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

Pagkalipas ng ilang araw, naka-bonding muli ni Dennis si Leon.

with my son leon marcux

A photo posted by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig) on

Noong December 2016, sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Julia na Vince & Kath & James, sinabi ng Kapamilya actress na unti-unti nang nagiging maayos muli ang relasyon nila ng ama.

Ito ay matapos ang ilang kontrobersiyang pinagdaanan nilang mag-ama noong unang bahagi ng 2016.

Hiniling noon ni Julia sa korte na legal na mapalitan ang kanyang apelyido mula Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis, sa Barretto, na siyang apelyido ng kanyang ina na si Marjorie.

Sabi ni Julia sa presscon, "Everything is so much better than it was before. Baby steps talaga 'yan.

“He's still my father at the end of the day, siyempre mahal ko pa rin yung tatay ko.”

Read: Julia Barretto on relationship with dad Dennis Padilla: "Everything is so much better than it was before."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN