Miss Haiti Raquel Pelissier leaves the Philippines with happy memories

IMAGE @raquelpelissier on Instagram

Kahit hindi niya nakuha ang korona sa 65th Miss Universe, masaya pa rin si Miss Haiti Raquel Pelissier sa kanyang first runner-up finish, dahil marami raw siyang pusong nabighani noong pageant day sa MOA Arena. 


Nakauwi na sa Haiti si Raquel Pelissier, ang itinanghal na 1st runner-up sa 65th Miss Universe na ginanap sa Pilipinas nitong nakaraang Lunes, January 30.

Hindi man niya nakuha ang inaasam-asam na kauna-unahang Miss Universe crown para sa kanilang bansa, masaya pa rin daw si Raquel dahil sa nakuha niyang suporta mula sa mga taong nanood nang live sa MOA Arena.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, February 1, sinabi ni Raquel na parang kumpleto ang kanyang Miss Universe journey dahil sa pag-cheer sa kanya ng mga tao sa Arena.

“Some people ask me if I’m happy about being the 1st runner-up?

“I did not win the crown but I have conquered so many hearts, which is even more rewarding.

“I just wanted to show the universe that Haiti matters and seeing the whole stadium cheering for Haiti made me feel complete.

"So, my answer is, 'Yes, I am happy.'"

Read: Miss Universe 2016: MOA crowd switches from Philippines to Haiti after Top 6

FILIPINO BLOOD. Bago siya lumipad pabalik ng Haiti kahapon, January 31, na-interview si Raquel ng ilang media sa airport.

Dito ay sinabi niyang mayroon siyang dugong Pilipino dahil ang lola raw ng kanyang lolo ay may dugong Pinoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN