Aljur Abrenica to netizens who find him 'mayabang': "Sorry po for being human."

IMAGE @ajabrenica Instagram

Aljur Abrenica has a message to netizens who disapproved of his attitude during his recent interview with fiancee Kylie Padilla: "Sorry for being human. Nafrustrate napagod at nasasaktan lang po. Higit sa lahat, nag-aalala lang sa taong Mahal ko."


Humingi ng paumanhin si Aljur Abrenica sa netizens na naghayag ng disgusto sa pagiging “mayabang” niya umano.

Kaugnay ito ng eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan kinumpirma nina Aljur at Kylie ang tungkol sa kanilang engagement at pagbubuntis ng dalaga.

Sabi ng netizen: “@ajabrenica please take care of @kylienicolepadilla we love her. And Ang yabang mo dun sa interview wala lang just sayin”


Dagdag ng isa pang netizen: "Sweet nmn! Just b strong aljur ang yabang nga ng dating mo dun sa interview. Pero bumabawi k naman"


Base ito sa thread ng comments sa ibinahagi ni Aljur na Instagram post na may petsang January 30.

Dito ay makikitang nakarating kay Aljur ang feedback ng netizens kaya agad ding dinepensahan ng Kapuso actor ang sarili.

Sabi niya: “@ghielle05 @imyourangel22 Sorry for being human. Nafrustrate napagod at nasasaktan lang po. Higit sa lahat, nag-aalala lang sa taong Mahal ko."



Hindi tinukoy ng netizen kung ano ang hindi niya nagustuhan sa mga binitiwang salita ng Kapuso actor sa exclusive interview ng PEP.

Gayunman, kapansin-pansing nakatanggap ng pambabatikos si Aljur mula sa netizens matapos nitong ihayag na tila nagamit diumano ang pagbubuntis ni Kylie sa promo ng kinabibilangang programa ng dalaga, ang Encantadia.

Watch: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica feels that Kylie Padilla's pregnancy is being used for Encantadia promo

Dagdag pa rito ang paghayag ni Aljur ng disgusto sa talent management ni Kylie, ang Vidanes Celebrity Marketing, na unang nag-anunsiyo tungkol sa engagement ng dalawang Kapuso stars.

Watch: Aljur Abrenica shows displeasure at what Kylie Padilla's management did



Sa kabila nito, marami sa mga tagahanga nina Aljur at Kylie ay nananatiling suportado ang relasyon ng engaged couple.




Stories We Are Tracking

Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie, Aljur finally speak up about engagement, pregnancy
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Kylie Padilla and Aljur Abrenica confirm they are expecting
Is Kylie's pregnancy being used for <em>Encantadia</em> promo?
Is Kylie's pregnancy being used for Encantadia promo?
Kylie Padilla on her pregnancy:
Kylie Padilla on her pregnancy: "Sorry, napaaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN