Miss Universe 2016 Iris Mittenaere calls the Philippines her second home

IMAGE Courtesy: www.missuniverse.com

Hindi raw sapat ang dalawang araw na extension ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere sa kanyang pananatili sa Pilipinas, kaya nangako itong babalik sa bansa na kanyang itinuturing na "second home."


Sa mga oras na ito ay nasa New York na si Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

Ito ay upang masimulan na ang kanyang Miss Universe duties kaugnay ng mga adbokasiya na kanyang isusulong sa loob ng kanyang reign.

Pero, bago pa man siya lumipad papuntang Amerika kahapon, February 2, dumaan muna si Iris sa French embassy upang makipag-meeting sa kanilang ambassador sa Pilipinas.

Meeting the ambassador today in honor of 70 years of Franco-Philippine friendship! #MissUniverse #PhilFrance70

A photo posted by Iris Mittenaere (@missuniverse) on

 

Sa ulat naman ni MJ Marfori ng News5, sinabi raw ni Iris na sabik na siya sa pagkakataong makabalik sa Pilipinas.

 

itinuturing na raw ni Iris ang bansa na kanyang pangalawang tahanan.

Sa kanyang post ilang oras bago ng kanyang paglipad, sinabi nitong hindi niya makakalimutan ang Pilipinas.

Saad pa niya, "Last hour in my second home ... Philippines forever in my heart ??

"Mahal ko kayo ??"

Last hour in my second home ... philippines forever in my heart ?? Mahal ko kayo ?? #missuniverse #missfrance #thankyou #philippines #love

A photo posted by Iris Mittenaere |Miss Universe (@irismittenaeremf) on

Si Iris, 24, ang kinoronahang ika-65 Miss Universe sa pamosong timpalak na idinaos sa bansa nitong nakaraang January 30.

Read: France is crowned Miss Universe 2016!

Siya rin ang pangalawa lamang na Miss Universe mula France, kasunod ng pagkapanalo nila noong taong 1953.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN