Angel Locsin speaks up about bad hair treatment resulting in short hairdo: "Sh-t happens."

IMAGE Noel Orsal / Screengrab: ABS-CBN

Pinag-iisipan na raw ng kampo ni Angel Locsin kung magsasampa sila ng demanda laban sa salon na nagsagawa ng hair treatment dito. Kailangan daw kasing may managot sa nangyaring pagkasira ng kanyang buhok.


Sa wakas ay binasag na ni Angel Locsin ang katahimikan tungkol sa bulung-bulungang nakalbo siya dahil sa maling hair treatment sa isang salon.

“Shit happens talaga,” ang bungad ni Angel sa panayam sa kanya ng TV Patrol ng ABS-CBN na umere ngayong gabi, February 3.

Ayon pa sa ulat, nagkaroon ng problema ang hair treatment ng actress kamakailan lamang kaya raw naglagas ang buhok nito.

Dumating daw sa puntong dalawang pulgada na lamang ang haba ng buhok ni Angel.

Dahil dito, may mga pagkakataong nagsusuot na lamang daw ng wig ang Kapamilya star, na kilala sa pagkakaroon ng mahabang buhok sa simula pa lang ng career nito.

Hanggang nitong kalagitnaan ng Enero, ginulat ni Angel ang kanyang mga tagahanga nang dumalo ito sa isang event na nakamaikling buhok na.

Read: OMG, Angel Locsin now sports a short hairdo!

Ayon pa sa kanya, “Mahaba siyang kuwento, e. Ikuwento ko next time, but I think kapag may nangyari sa buhay natin kailangan natin talagang mag-move on at bonggahan lang natin ang pag-move on.”

Isa raw sa mga ikinatakot ng aktres nang nangyari ang pagkasira ng kanyang buhok ay ang pagkawala ng kanyang shampoo commercial.

Pero malaking pasasalamat daw ni Angel at naintindihan siya ng mga kumuha sa kanya bilang endorser.

Pag-amin pa niya, “Nagbigay talaga ng bonggang stress sa akin ‘to, pero nagpapasalamat na din lang ako dahil iba yung tiwala na binigay nila sa akin.”

POSSIBLE COURT CASE? Sa ngayon ay pinag-aaralan ng kampo ni Angel kung ihahabla nila ang salon na nagsagawa ng hair treatment.

Para sa actress at celebrity endorser, kailangan daw may managot sa nangyari.

Saad niya, “Honestly, wala talaga akong plan para mag-file ng case but, uhm, depende rin kasi kung paano sila makipag-usap sa atin, e.

"Gusto ko lang fair. Yun na lang.

“Gusto ko lang fair sa lahat. I think yun naman dapat, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, kailangan may responsibility naman talaga.”

Kahit na walang binanggit na pangalan ng salon si Angel sa panayam ng TV Patrol, kinuha naman ng programa ang statement ng abogado ng Tokyo Posh, isang kilalang salon sa Mandaluyong City.

Ayon sa abogado ng salon na si Atty. Estrella Elamparo, sa ipinadala nitong statement sa TV Patrol, wala pa raw silang natatanggap na reklamo mula kay Angel.

“There are many other salons she has gone to.

“We haven’t received any official demand or complaint from her, so we are unaware of the exact nature of her complaint or whether it’s even my client she’s talking about.

“It is thus premature to comment further at this point."

Sa huli, pabirong sinabi na lang ni Angel na, “Short hair don’t care.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN