Sophie Albert thankful for second shot at showbiz: "Everything finally fell into place."

IMAGE Aldrian Poe

Sophie Albert is thankful for her second wind in showbiz: "Hopefully, this 2017, more opportunities will come for me as an actress. It's like nabigyan ulit ako ni Lord ng second chance. I'm thankful that He led me to these people who are willing to help me with my career."


Nakaranas ng depression si Sophie Albert dahil sa naging stagnant niyang showbiz career.

Dahil dito, binalak ng Artista Academy female winner na mag-quit na ng showbiz noong nakaraang taon.

Ayon sa former TV5 talent, tinanggap na raw niya na wala nang mangyayari sa career kaya nag-isip na ito ng ibang gagawin.

Sa katunayan, nag-enrol siya sa isang make-up course at binalak na maging make-up artist.

READ Sophie Albert on her showbiz career: "To be honest, sobrang bagal."

"I really got depressed kasi walang nangyayari talaga.

"Yes, I was doing TV shows, pero hindi siya yung parating meron.

"Kaya I asked TV5 to release me from my contract with them.

"Kasi kung hindi naman po nila ako mabibigyan ng magandang career plan, might as well start my own, di ba?” pahayag ni Sophie.

Nakapanayam si Sophie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng pelikulang Moonlight Over Baler, sa Limbaga 77 restaurant, sa Quezon City.

UNDELIVERED PRIZES? May balita rin kasi na hindi raw natupad ng TV5 ang premyong ipinangako kay Sophie bilang winner ng Artista Academy noong 2012.

Kabilang sa mga premyo nila ng co-winner na si Vin Abrenica ay ang five-million-peso contract with TV5 at isang condo unit.

Hindi naman nagsalita si Sophie tungkol sa balitang ito.

Sa halip ay sinabi nitong very grateful siya sa TV5 dahil nabigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz.

“I want to start fresh. Ayoko nang may magsasabi na wala akong utang na loob.

“I am grateful to TV5 for taking a chance with me.

“Kung hindi po dahil sa Artista Academy, walang Sophie Albert ngayon,” diin pa niya.

Kabilang sa mga projects na ibinigay ng TV5 kay Sophie ay ang TV shows na Never Say Goodbye at Wattpad Presents.

May ginawa rin siyang indie film na #Y.

Ang dapat na pagbibidahan ni Sophie na local version ng hit American series na Pretty Little Liars ay hindi tinuloy ipalabas kahit na nakapag-taping na ang buong cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECOND WIND. Pero biglang nabuhayan ng loob si Sophie nang makilala ang talent manager na si Manny Valera, na nangakong bibigyang sigla nito muli ang kanyang naudlot na showbiz career.

“Everything finally fell into place.

“After I met with Tito Manny, he got me a movie contract with Regal Entertainment.

“He’s also meeting with ABS-CBN for me to be in a teleserye.

“Tito Manny helped in charting my career.

“Hopefully, this 2017, more opportunities will come for me as an actress.

“It’s like nabigyan ulit ako ni Lord ng second chance.

“I’m thankful that He led me to these people who are willing to help me with my career,” ngiti pa ni Sophie.

MOONLIGHT OVER BALER. Malaking pasalamat rin ni Sophie na nakasama siya sa cast ng pelikulang Moonlight Over Baler.

Aniya, “I began to feel my passion again for acting.

“I realized po na this is what I really love to do.

“It’s my first time to work with Direk Gil Portes, and he really guided me sa role ko as Fidela.

“It’s like the most unforgettable experience in my entire career ang gawin itong Moonlight Over Baler.

NO ISSUES WORKING WITH EX-BF. Wala raw issue na nakasama niya sa movie ang ex-boyfriend na si Vin Abrenica.

“We’re professionals po.

“'Tsaka friends naman po kami ni Vin noong maghiwalay kami kaya walang weird feeling.

“Hindi po kami naiilang sa mga eksena namin together kasi we’re okey talaga,” pagtatapos ni Sophie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN