Is Jenine Desiderio referring to Elmo Magalona in her loaded tweets?

IMAGE Facebook (Jenine) / Noel Orsal (ElNella)

Netizens name-dropped the name of Elmo Magalona as the mystery guy that Jenine Desiderio tweeted about. Last Sunday, February 5, Jenine tweeted about an unnamed guy who she says has questionable intentions for her daughter, actress Janella Salvador. 


Sinagot ni Jenine Desiderio ang netizens ng Twitter kaugnay ng kanyang makahulugang mga tweets tungkol sa isang lalaking hindi niya pinangalanan na kinagagalitan niya.

Malinaw na ang lalaki ay nali-link sa kanyang anak, ang ABS-CBN young star na si Janella Salvador, ngunit hindi tinukoy ni Jenine kung professional ba o personal ang kaugnayan ng lalaki sa anak.

Malinaw ding kinukuwestiyon ni Jenine ang intentions nito sa anak.

Kahapon, February 5, Linggo, nag-tweet ang stage actress-singer at binalaang ibubunyag ang pagkatao ng mystery guy “who looks & pretends to be decent but sneaks behind my back.”

READ: Jenine Desiderio tweets warning to mystery guy linked to Janella: "Clean up your act or it's the end of you."

Sunud-sunod na ang Twitter messages kay Jenine mula kahapon dahil sa kanyang mga makahulugang tweets.

Wala siyang sinagot sa mga ito, maliban sa dalawang netizens na ni-reply-an niya ngayong Lunes, February 6.

Isang netizen, na may Twitter username na @alfonsatomasa, ang nag-tweet kay Jenine at nagsabing nakaka-“nega” at “nakaka-off” na idinaan sa social media ang kanyang reklamo.

Puwede naman daw niyang idaan ito sa maayos na pag-uusap.

Sagot naman ni Jenine dito, maaaring itanggi ito ng lalaki dahil hindi nito alam na may hawak na ebidensiya ang aktres.

Tweet pa ni Jenine, tiyak na ikasisira ng lalaki kapag inilabas niya kung sino ito at kung ano ang ginawa niya.

Sabi ng veteran actress, “[H]indi nyo kse anak ang nalalagay sa hindi magandang sitwasyon.

“[M]abait pa nga ako hindi ko sya pinangalanan & i didn't say what he did kundi masisira sya.”

Dahil sa tweets ni Jenine maraming fans ang nabahala na baka ang tinutukoy ni Jenine ay si Elmo Magalona, ang leading man ni Janella.

Kabilang dito ang maraming tagasuporta mismo ng love team nina Elmo at Janella, na kilala rin sa tawag na ElNella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Pinangalanan ng Twitter user na si @judeeiamme na ang tinutukoy ni Jenine ay si "Moe," ang palayaw ni Elmo.

Sinabi pa ng netizen na isang rason kung bakit hindi nagtagal ang teleseryeng Born For You nina Janella at Elmo ay dahil ayaw ni Jenine kay Elmo para sa anak.

Si Elmo ang naging leading man ni Janella sa teleseryeng Born For You at sa isang month-long episode ng Wansapanataym Presents: Holly & Mau na parehong umere noong nakaraang taon.

Itinanggi naman ni Jenine na may kinalaman siya sa maiksing pag-ere ng ABS-CBN teleserye.

Nagsimulang ipalabas ang teleserye noong June 2016 at natapos ito pagkaraan lamang ng tatlong buwan.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jenine ngayong Lunes upang kunin ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang mga tweet.

Hindi pa sumasagot si Jenine habang isinusulat ang balitang ito.

Nagpadala rin kami ng mensahe kay Pia Magalona, ina ni Elmo, para sa kanyang reaksiyon, dahil si Elmo ang pinaghihinalaan ng netizens at fans na siyang tinutukoy ni Jenine.

Wala pang sagot si Pia habang isinusulat ang balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN