Diego Loyzaga posts result of drug test requested by dad Cesar Montano

IMAGE Noel Orsal

Matapos burahin ang kanyang mga naunang rants laban sa amang si Cesar Montano, may panibagong post ang Kapamilya star tungkol sa isyu: ang resulta ng kanyang drug test.


Hindi pa rin tumitigil ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga sa pagpaparinig sa amang si Cesar Montano.

Pagkatapos ng sunud-sunod niyang rants sa Instagram noong Martes ng gabi, Ferbuary 7, masama pa rin ang loob ng binata dahil sa kabila ng negatibong resulta ng kanyang drug tests ay pinagbibintangan pa rin daw siyang adik.

Read: (UPDATED) Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

DRUG TEST. Sa mga naunang posts ni Diego, sinabi niyang limang beses umano siyang ipinasailalim ng ama sa drug test.

Lahad pa niya sa kanyang post noong Martes, “Pang-limang drug test na ipinagawa niyo sa 'kin LAHAT negative pero lakas pa rin ng loob mo na pagbintangan akong adik. Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin?”

Kagabi, February 8, ibinahagi ni Diego sa Instagram ang resulta ng kanyang drug test na isinagawa noong October 2016 kung saan negatibo ang resulta.

Sabi niya sa caption, “2/3 test na pinagawa mo sa 'kin. Ano pa ngayon @cesar_montano, adik pa ako? GUSTO MO NG ISA PA PARA KUNTENTO KA NA?!"

2/3 test na pinagawa mo sakin. Ano pa ngaon @cesar_montano adik pa ako? GUSTO MO NG ISA PA PARA KUNTENTO KA NA?!

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on


Nauna rito ang pahayag ng Star Magic, ang namamahala sa career ni Diego, na sumailalim na ito kasama ang iba pa nilang talents sa drug test noon pang Agosto. Lahat sila ay negatibo ang resulta sa pagsusuri.

Read: Enrique Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing

BEST PARENT. Nagbigay-pugay naman ang 21-year-old star sa inang si Teresa Loyzaga dahil sa pagiging "best parent" daw nito.

Sa kanyang post kahapon din, sinabi ng binata na, “The best parent in the world. @teresaloyzaga i love you more than you know, Ma.”

The best parent in the world. @teresaloyzaga i love you more than you know Ma

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

I couldnt have asked for a better family. @intheforceitrust @teresaloyzaga

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Nagpasalamat naman ang actress sa kanyang mga anak na sina Diego at Joseph Loyzaga-Dizon.


Samantala, may tawag si Diego sa mga bashers na kumampi sa kanyang ama: "Fake people showing fake love to me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TO YOU AND ALL CESAR MANHILOTS SUPPORTERS.

A photo posted by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN