Piolo Pascual reveals "exclusively dating" Shaina Magdayao

IMAGE Noel Orsal

Gustung-gusto raw ni Piolo Pascual na makatrabaho si 1993 Miss Universe Dayanara Torres. Sa ngayon daw, pinaplano pa rin ang kasunod niyang proyekto sa ABS-CBN matapos ma-shelve ang Written in our Stars


Hindi pa rin tuwirang maipaliwanag ni Piolo Pascual kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Matagal nang pinag-uusapan ang dalawa pero hanggang ngayon ay nanatiling walang label ang kanilang relasyon.

Nitong nakaraang linggo, nagpahayag si Shaina na handa na siyang umibig muli ilang taon ang nakalipas matapos ang hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz noong 2012.

Read: Shaina Magdayao ready to fall in love again: "Pero wala pa, e."

“ANG HIRAP NGA KASING MAGSALITA…” Kahapon, February 12, sa Sa Star Magic thanksgiving presscon, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Shaina.

Pero tikom ang bibig ng Kapamilya actor.

Sabi niya, “Ang hirap nga kasing magsalita kapag alam mong, when you know there are things you'd rather not talk about.

“I try to choose the right words to say kasi, at the end of the day, yung sincerity nung tao ang importante, at yung truthfulness ng sinasabi niya.

"So I just choose my words.

"Whatever Shai and I have, it’s really something that we value.

"Something that we treasure, and we appreciate what we have.”

May mga kinukunsidera ba silang dalawa o may humahadlang para mag-level up sila sa kanilang relasyon?

Tugon ni Piolo, “It’s not naman hadlang. I don’t know, ang hirap namang magsalita kasi parang…

"What you say can be used against you, parang ganun.

“Shai and I, how do I say it, mahirap i-label, I guess.

“So whatever it is, I guess we just have to mutually respect, not to talk more about it.”

Pero bago nag-shift ng topic, saka sinabi ng 40-year-old star kung nasa anong level na ang kanilang relasyon.

Aniya, “Ang hirap kasi parang nagkaka-edad ka, and I’ve been with her five years na exclusively dating.

“I know and she knows that we don’t take out of what we have, nandun kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOPING TO WORK WITH DAYANARA, VICE. Ang Hawak Kamay noon pang 2014 ang huling proyekto ni Piolo sa primetime ng ABS-CBN.

Ano nga ba ang mga nakalinya niyang proyekto sa taong ito?

"May magpi-pitch na sa akin sa Friday, sila Tito Deo [Endrinal].

"Lalabas na yung movie namin ni Yen [Santos], mga last week of March.

"I may start another movie.

Written in our Stars, it’s now shelved, maganda kaso ang hirap kasi marami na ring nangyari.

"Marami na ring istorya na na-create sa ABS-CBN so, I guess, we just have to wait for the right timing.

“May mga pitching, di ko lang alam kung kailan itutuloy, pero sana, kasi ang laki na rin ng ginastos.”

Sa mga nakaraang interview sa kanya, bukambibig naman niya na gusto niyang makatrabaho sina Vice Ganda at ang 1993 Miss Universe na si Dayanara Torres.

Lahad pa ng binata, “Oo naman, oo naman. Sino bang ayaw makatrabaho si Vice?

“I really asked for Yari [Dayanara], ang kapal ng mukha ko, di ba? Sana.

"It’s not up to me pero if you will ask me, I really wanna do something with her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN