Vice Ganda shoots down question about Terrence Romeo's engagement

IMAGE Allan Sancon

When asked about Terrence Romeo's engagement, Vice Ganda's reply was quick and final: "I don't wanna talk about him."


Masayang humarap si Vice Ganda sa ilang piling reporters matapos siyang pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN kahapon, February 16.

Sa video na ini-upload ng ABS-CBN Corporate Communications sa Instagram, mapapanood na sinagot ni Vice ang tungkol sa kasalukuyan niyang boyfriend at ang pag-attend nito sa Pusuan Mo Valentine’s Day concert ng TV host-comedian.

“Masaya. Masaya yung nandudoon siya, siyempre,” sabi niya.

“Kasi ang chaka, ang pangit naman kung wala rin siya doon.

“Baka magtaka rin siya, ‘Bakit hindi ako invited? Bakit wala akong ticket?'”

Kasunod nito ay tinanong si Vice tungkol sa reaksiyon niya sa balitang engaged na ang GlobalPort Batang Pier player na si Terrence Romeo.

Mabilis na sagot ni Vice: “I don’t wanna talk about him.”

Vice talks about current boyfriend, no comment on Terrence Romeo's engagement

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on

 

Noong February 14 ay naging emosyunal si Vice sa ginawa niyang spoken-word poetry performance sa concert nito.

Dito ay inilahad niya ang isang heartbreaking experience ng pag-ibig.

Sa isang bahagi nito, sinabi ni Vice, “Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko, gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan.

“Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo, gusto ko sana nandun ako para mauna ako sa palakpakan, at gusto ko isigaw na, ‘P*tangina! Jowa ko 'yan!’

“Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayo parehong na mapag-usapan.”

Read: Vice Ganda tearfully recalls ex-boyfriend through spoken word poetry

 


 

Nagkataon naman na noong gabi ring iyon ay nag-post si Terrence sa kanyang Instagram account tungkol sa engagement niya.

Sabi ng kilalang PBA player sa caption ng kanyang post, “Thank you, Lord I was able to find my true love in this lifetime... I'm officially off the market! Happy Valentine's to all. God bless us.”

 

 

Dahil sa description na rin ni Vice, hindi naiwasan ng ilan na isiping si Terrence ang tinutukoy niya sa kanyang spoken-word poetry.

Minsang na-link sina Vice at Terrence, ngunit pareho nilang pinabulaanan ang bali-balita tungkol sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial

Sa panayam ng entertainment reporters kay Vice kahapon, sinabi niyang labas siya sa anumang interpretasyon ng mga tao sa kanyang poetry.

Aniya, “Hindi ko po alam kung ano ang misinterpretation dun kasi hindi ko naman po alam kung paano nila in-interpret yung act.

“It’s open to interpretation, actually, bahala na kayong mag-interpret.”

Vice talks about his emotional spoken-word poetry performance in his sold-out concert.

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN