Mikael Daez weighs pros and cons of marrying sooner than later

IMAGE Noel Orsal

Michael Daez is in a long-term relationship with Megan Young, sooner or later he is expected to propose marriage. Is he ready? "Hassle magka-baby," he says, but on the other hand, "Lumaki ako, nagba-basketball yung tatay ko, machong-macho pa rin… Iyon ang trade-off. So, tinitingnan natin."


“Hindi mangyayari.”

Ito ang pabirong reaksiyon ni Mikael Daez sa pahayag ni Lauren Young kamakailan na gustung-gusto na raw niyang makita ang kapatid na si Megan Young at ang aktor na ikasal at magsimula ng pamilya.

Kailan lang ay inamin na rin sa wakas ni Mikael ang anim na taon nang relasyon nila ng 2013 Miss World na si Megan.

Read: Mikael Daez finally admits six-year relationship with Megan Young

Para kasi kay Lauren, kailangang mas maunang magpakasal sina Mikael at Megan bago sila ng non-showbiz boyfriend niya na si Robbie Garcia.

Natatawang sambit naman ni Mikael, “Huwag muna, chill muna.”

Paliwanag niya, “Dati nga, iniisip ko na gusto ko twenty-five pa lang, sabi ko, ‘Game, tara, okay na ‘to!’

“Bumaligtad na, e. Bakit?

“Nagkaroon ako ng kapatid na bunso na two years old. Hassle magka-baby, ang hirap,” at muling tumawa ang Kapuso hunk, “Mahirap, mahirap.”

Twenty-nine si Mikael ngayon, ayaw ba niyang bata pa siya ay makitang lumalaki ang anak niya?

“Iyon ang trade-off, dahil ipinanganak ako, yung daddy ko twenty-four years old.

“So lumaki ako, nagba-basketball yung tatay ko, machong-macho pa rin… so, tinitingnan natin.”

Halos limang taon na rin ang lumipas mula nang pumanaw ang ama ni Mikael.

Walo silang magkakapatid at ang ika-siyam ay ang baby brother nila na anak ng kanilang ina sa bago nitong karelasyon.

Nanganak daw ang mommy niya almost two years ago nung forty-nine ito.

Tuwang-tuwa naman si Mikael sa kanilang bunso,

“Dumpling na dumpling, siomai na siomai ang itsura,” masayang pagbabahagi pa niya sa presscon ng Legally Blind nitong Sabado, February 11, sa 17th floor ng GMA Network.

BULLY ON THE SET. Nasa cast pareho sina Mikael at Lauren sa teleserye na pinagbibidahan din ni Janine Gutierrez.

Parehong naging boyfriend nina Lauren Young at Janine si Elmo Magalona.

Kaya naman hindi raw maiwasang tuksuhin ni Mikael ang dalawa, “Tuwang-tuwang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko, ‘O ano, kumusta, okey lang ba kayo?’

“Inaasar ko silang dalawa… ang hilig kong mam-bully sa kanilang dalawa.

“Kilala ko si Lauren, obviously inaasar ko yan lagi.

“Si Janine, medyo cool ako diyan kasi schoolmate ko siya.”

Pareho silang nagtapos ng college sa Ateneo de Manila University.

“Ever since, there is something about me and Janine na okey, e.

“Suwabe lang yung relationship namin lagi, we’re okay.

“Me, Janine and Lauren, walang problema.

“Whatever problems thay have, bahala sila,” at tumawang muli si Mikael.

Samantala, bukod sa kanilang tatlo, nasa Legally Blind din sina Chanda Romero, Therese Malvar, Marc Abaya, Rodjun Cruz, Lucho Ayala, Ashley Rivera, at Camille Torres.

Eere na ito sa Lunes, February 20, sa direksyon ni Ricky Davao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN