Singer Eva Castillo hospitalized; needs help for kidney operation

IMAGE Ana Valencia Selegna on Facebook

Singer Eva Castillo, childhood singing rival of Regine Velasquez and a three-time defending champion of It's Showtime's "Tawag Ng Tanghalan," was rushed to the hospital almost a week ago after experiencing extreme pain in her kidney.


Mag-iisang linggo na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang singer na si Eva Castillo dahil sa sakit sa kidney, ayon sa anak nitong si Reina Castillo-Largo.

Si Eva ang itinuturing na biggest rival ni Regine Velasquez noong nasa amateur singing contest phase pa ang career ng Asia's Songbird.

Read: Eva Castillo owes her life to rival Regine Velasquez

Nung 2009, hinanap pa ng production team ng TV special ni Regine na Regine: Roots To Riches si Eva para mai-feature sa nabanggit na special, na siyang hudyat para muli itong magkaroon ng career.

Nitong nakaraang buwan, nakasali pa si Eva sa “Tawag Ng Tanghalan” o “TNT” ng It’s Showtime, kunsaan tatlong beses siyang nanalo.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Reina sa pamamagitan ng Facebook messenger ngayong Lunes, February 20, sinabi nitong may iniinda nang karamdaman si Eva nang sumali ito sa “TNT.”

At nung pang-apat nitong appearance sa nasabing singing contest para idepensa ang kanyang panalo, nanghihina na raw ito’t masakit na talaga ang nararamdaman.

Nabigo si Eva sa kanyang pagiging defending champion nang talunin siya ng provincial jail guard mula sa Leyte na si Ruben Tejano.

Pagkatapos ng pagkatalo niyang iyon, lumala na raw ang kalagayan ni Eva, hanggang sa ipasok na nga siya sa ospital nitong buwan lang ng Pebrero dahil sa pamamaga ng kidney nito.

Kinailangan pa nga raw tusukan ng tubo sa katawan si Eva upang ilabas ang mga dugo mula sa namamaga nitong kidney.

Sabi pa ni Reina, “Masyado po sigurong napagod yung kidney niya nung nasa ‘TNT’ siya.

“Isa na lang po kasi ang kidney niya.”

Matagal nang may sakit sa kidney si Eva, at ayon pa kay Reina, ilang beses na itong naoperahan.

Noong 2014, inoperahan si Eva nang magka-tumor ito sa kidney.

Tinulungan siya noon sa mga gastusin sa operasyon ng kababata’t karibal na si Regine, kasama sina Louie Ignacio, Allan K, at iba pang mga kaibigang singers at night-club performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Singer Eva Castillo diagnosed with kidney tumor; needs help

Tinanong ng PEP si Reina kung may ipinadala nang tulong sina Regine at iba pang mga kaibigan ni Eva sa showbiz.

“Hindi pa po namin sila nakakausap, e. Nahihiya na po kami.

"Malaki na po kasi naitulong nila sa amin," sagot ni Reina.

Ayon pa kay Reina, dialysis na ang kailangang gawin kay Eva.

“Namamaga po yung kidney niya, kaya dugo po yung lumalabas. Nalalason na po kasi ang dugo niya.”

Pinipilit nilang balikatin ang mga gastusin ni Eva sa ospital, ngunit kinakapos na raw sila.

Kung kaya’t ang mga kaibigan na mismo nila ang nagpu-post sa Facebook para makahingi ng pinansiyal na tulong.

Sa mga gustong magpadala ng tulong kay Eva, maaaring kontakin si Reina sa mga cellphone number niyang 09774557423 at 09092950179.

Maaari ring kontakin ang asawa ni Eva na si Abet sa cellphone number na 09104405475.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN