Ogie Diaz to Mocha Uson: "Teh, aralin mo muna ang posisyong pinasok mo."

IMAGE Noel Orsal / Cyrus Panganiban for YES!

Ogie Diaz to Mocha Uson: "Ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng [MTRC] board meeting. At pag andun ka naman, hindi ka naman daw vocal sa mga concerns mo. Sumbong ka na lang nang sumbong sa taumbayan ng mga reklamo mo. I-translate mo yang mga reklamo mo sa pagkilos kung gusto mo talaga ng tunay na pagbabago. Ganun dapat."


Pinuna ng talent manager at radio host na si Ogie Diaz ang ginawang video blog ni Mocha tungkol sa isyu ng SPG o Strong Parental Guidance bago pa man niya ito pormal na dalhin sa bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Rachel Arenas.

Read: Mocha Uson roasts ABS-CBN, MTRCB members in video blog; threatens to resign

Ani Ogie sa kanyang Facebook post kagabi, February 19, “Ikaw naman. Sa Monday pa pala ang meeting mo, nagsumbong ka na agad sa taumbayan.

“Sana, tinapos mo muna ang meeting, tapos, pag walang nangyari sa meeting mo sa MTRCB board e saka ka mag-report sa taumbayan.”

Pinuna rin ni Ogie ang ginawang pagkondena ni Mocha sa diumano'y malalaswang eksena sa mga programa ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo at The Better Half, na inirereklamo ng kanyang followers.

Sabi ng talent manager ni Liza Soberano at isa ring talent ng ABS-CBN, “Saka, ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng board meeting.

“Para i-explain sa newly appointed board members ang classification and review at yung sinasabi mong SPG.

“At pag andun ka naman, hindi ka naman daw vocal sa mga concerns mo.

“Kaya ba't sa taumbayan mo inilalatag ang hinaing mo, ba't hindi sa board?

“Alam mo, Mocha. mas masarap magsumbong kung may sapat kang dahilan at mga hawak na records o ebidensiya ng sinasabi mong malalaswang eksena.

“Para mabigyan mo ng chance ang publiko na husgahan ang mga eksena at kung dapat ka nilang ayunan sa ipinaglalaban mo.”

Nilinaw ni Ogie na suportado niya ang nais ni Mocha na pagbabago.

Ngunit ang paalala niya sa bagong board member ng MTRCB, “Pero, teh, aralin mo muna ang posisyong pinasok mo.

“Hindi yung sumbong ka na lang nang sumbong sa taumbayan ng mga reklamo mo na akala mo, inaapi ka ng 29 board members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I-translate mo yang mga reklamo mo sa pagkilos kung gusto mo talaga ng tunay na pagbabago. Ganun dapat.”

Sa huli, hinimok ni Ogie si Mocha tungkol sa mga naging hinaing niya sa video blog niya.

Ani Ogie, “Hihintayin ko ang paliwanag mo dito, teh, ha?

“At pag na-gets ko ang point mo, Mocha, promise, magbi-video ako para humingi ng sorry sa yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN