John Regala clarifies viral photo: "Hindi po ako na-stroke."

IMAGE Kapuso Mo, Jessica Soho on Facebook

Itinanggi ni John Regala na inatake siya sa puso o na-stroke. Bumaba lang daw ang kanyang blood sugar kaya nanghina siya nitong nakaraang linggo.


Nilinaw ni John Regala na hindi siya na-stroke o inatake ng high-blood pressure.

Ito ay matapos mag-viral ang larawan niya, na tila nawalan ng malay, sa social media noong nakaraang linggo.

Read: John Regala suffers high blood pressure in public, rushed to hospital

Ayon sa ulat ng Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA kagabi, February 19, sinabi ng beteranong aktor na malakas pa siya.

Saad niya, “Hindi po ako na stroke, hindi po ako inatake sa puso, malakas po ako.”

Nagpamalas pa ng shadow boxing si John sa harap ng kamera upang patunayang malakas siya at nasa maayos na kundisyon na muli.

Dagdag pa niya, baka raw bumaba lang ang sugar level niya dahil sa kanyang diabetes.

Kaya naman daw siya napagawi sa naturang supermarket sa Zapote, Cavite, dahil naka-check in siya sa malapit na hotel. Under renovation daw ang kanyang bahay.

Samantala, ayon naman sa lalaking umalalay sa aktor, pinainom niya ng tubig si John nang tulungan niya ito noong hapon ng Miyerkules, February 15.

Kahit may dumating na ambulansiya, hindi na raw nagpaospital si John dahil umayos na ang kalagayan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN