Is Joseph Marco interested in courting Maja Salvador?

IMAGE Noel Orsal

Inilarawan ni Joseph Marco ang Wildflower lead star na si Maja Salvador bilang "very hardworking, professional, at so pretty." 


Inamin ni Joseph Marco na malaki ang paghanga niya kay Maja Salvador, ang lead star at katambal ng binata sa ABS-CBN teleserye na Wildflower.

Sabi ni Joseph, “Every time na may eksena kami, alam mo yung effortlessly sa akin na mapa-wow… 

“I mean, ang laking tulong niya sa character ko.

“I’m really glad na siya yung nakuha for this role.”

Ayon sa 28-year-old Kapamilya actor, hindi pa siya sigurado kung handa na siyang makipagrelasyon.

Pero sa paglalarawan ni Joseph kay Maja, tila lumalambot ang puso ng hunk actor pagdating dito.

Interesado ba siyang ligawan si Maja?

Sagot ni Joseph, “She’s so pretty.

“Ano lang talaga, hindi ko pa naman close si Maja. Hindi ko pa naman nakakausap.

“Hindi ko rin alam kung may pumuporma sa kanya.”

Sa ngayon, masyado pa raw maaga para isipin ni Joseph ang panliligaw sa kanyang leading lady.

Pero aminado ang binata na taglay ni Maja ang mga katangian ng isang mabuting kasintahan.

Aniya, “Si Maja, very hardworking, professional. Okey sa akin ang mga ganyan.

“It’s just that si Maja, may mga nakarelasyon na taga-showbiz. 

“Siyempre, yung tao, natatakot din o natu-trauma rin. 

“You’ll never know na baka hindi okey sa kanya yung ganito. Yung prefer niya, baka hindi na showbiz, non-showbiz na.

“We’ll see what’s gonna happen.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joseph sa presscon ng Wildflower, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN ELJ Building sa Quezon City, noong Pebrero 11.

LOOKING FOR THE RIGHT GIRL. Nauna nang idinetalye ni Joseph kung bakit naudlot ang panliligaw niya sa dating leading lady na si Alex Gonzaga.

Read: Joseph Marco reveals why he stopped courting Alex Gonzaga

Naging bukas din ang hunk actor sa pagsasabing “segurista” siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Ang sa akin lang, sana kung sino yung next girlfriend ko, sana siya na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi I don’t wanna waste time anymore. Tumatanda na tayo. 

“It’s really important na makahanap ka ng best friend mo in life na makakasama mo tumanda.”

Siya ba yung tipo nang lalaking okey lang magkaanak bago ang kasal?

Sagot ni Joseph, “Ayaw ko ng ganun. Kasi nakikita ko kung ano yung nangyayari sa ganun.

“I wanna do the right thing. 

“May mga times na naging maloko ako. Pero at this point, gusto ko namang matino ako.

“It’s time for that, na magtino ka na, tama na yung mga kalokohan.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN