Joseph Marco reveals why he stopped courting Alex Gonzaga

IMAGE Noel Orsal

Joseph Marco on Alex Gonzaga's relationship with a non-showbiz guy: "Nung nakita naman silang okey at narinig ko naman na mabait naman yun guy, parang na at ease naman yung feelings ko na, 'Okay, happy na ako for Alex.'"

 


Inamin ni Joseph Marco na hindi niya itinuloy ang panliligaw niya kay Alex Gonzaga noong nakaraang taon.

 

Ito ay sa kabila ng pagpapahiwatig niyang may gusto siya sa dalaga noon.

 

Paliwanag ni Joseph, “I tried, pero wala, e. Maybe we’re not really meant for each other.

 

“Hindi ko rin masasabing best ko yun.

 

“Natatakot din kasi akong masira yung friendship namin.  I don’t know kung bakit may ganun akong feeling.

 

“Somehow, may doubt ako na what if hindi mag-work?  So, hindi ko rin naibigay yung best ko.”  

 

Noong September 2016, nabalita ang intensyon ni Joseph na ligawan si  Alex nang gawin nila ang pelikulang My Rebound Girl noong nakaraang taon.

 

READ: Joseph Marco on courting Alex Gonzaga: "I'm not closing my doors. I like Alex very much."

Kinumpirma rin ni Alex na nagpahiwatig si Joseph ng pagkagusto nito sa kanya nang patapos na ang pinagtambalan nilang ABS-CBN primetime teleserye na Pure Love noong 2014.

 

READ: Alex Gonzaga cannot tell if Joseph Marco is courting her

ALEX'S NONSHOWBIZ BOYFRIEND. Ngunit November 2016 nang lumabas ang balitang mayroon nang non-showbiz boyfriend si Alex na nagngangalang Mikee Morada.

READ: Who is 'Mikee' in Alex Gonzaga's life?

 

Ano ang reaksiyon ni Joseph nang malaman niya ito?

 

Sagot ng binata, “Hindi rin naman ako nagsisisi, you know.

 

“Nakikita ko ngayon na happy siya. I know she’s in good hands. So, happy na rin ako para sa kanya.”

 

Hindi raw namalayan ni Joseph ang nangyaring pagkakamabutihan ni Alex at ng non-showbiz boyfriend nito.

 

Aniya, “Sunud-sunod kasi yung trabaho ko. Alam mo yun? Hindi ko siguro napansin.

 

“And I think friends na sila nung guy… 

“So, nung nakita naman silang okey at narinig ko naman na mabait naman yun guy, parang na at ease naman yung feelings ko na, ‘Okay, happy na ako for Alex.’”

 

COMPLICATED COURTSHIP? Diretsahang tinanong si Joseph kung ayaw niya nang may kakumpitensiya sa panliligaw o sadyang nawalan siya ng interes kay Alex bago tuluyang huminto sa panliligaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sagot ni Joseph, “Hindi naman sa ayaw, pero siyempre, huwag naman sana yung sabay kayong ini-entertain, parang nakakabastos naman. 

 

“Kung gusto mo ako, okay, you can entertain other guys. Pero not to the point na lalabas din kayo nung guy.

 

“Kung lumalabas tayo, eto, sa atin lang.

 

“Pero kung hindi ka naman sigurado, tapatin mo ako na hindi ko kaya yung ganyan. Para at least alam ko na hindi ako hanging.

 

“Pero more on hanging ako sa kanya.”

 

Bukod sa “hanging” ang pakiramdam niya sa kanyang panunuyo, nilinaw din ni Joseph na hindi rin siya sigurado kung handa na siyang makipagrelasyon.

 

Dugtong ng binata, “Lalong magulo kasi hindi ako sure sa sarili ko, and at the same time, hanging pa. 

 

“So, tinitimpla pa. Saan pupunta ito? 

 

“Ayaw mo rin namang masaktan. I mean, at my age, I’m not stupid. Ayaw ko namang masaktan.

 

“Ayaw ko namang pumasok sa relationship na marami kang doubts, and you know nga na hanging ka.”

 

Pero giit ni Joseph, “Wala naman akong regrets and happy ako for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN