Kiko Estrada on ex-girlfriend Barbie Forteza: "I still love her."

IMAGE Noel Orsal

Kiko Estrada on ex-girlfriend Barbie Forteza: "You know, I love her. She's real, she's funny. I love her in that time span but, you know, I got to respect her decision. She's sexy now, but I loved her before that."


Inamin ni Kiko Estrada na mahal pa rin niya hanggang ngayon ang ex-girlfriend na si Barbie Forteza.

“I still love her,” sambit niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng pelikulang Pwera Usog noong Martes, February 21.

Wala pang pumapalit kay Barbie sa puso niya?

“My mama,” nakangiting biro ni Kiko patungkol sa inang si Cheska Diaz.

Pero dagdag niya, “Wala, wala pa.

“Wala akong pinapayagang pumunta sa puso ko dahil focus ako sa career ko.

“And 2017, it’s gonna be a Kiko Estrada year.”

Naramdaman ba niyang nasaktan din si Barbie sa nangyari sa relasyon nila?

Sagot ni Kiko, “Hindi ko alam kung paano ko siya nasaktan, kasi ako ang iniwanan, e.”

Mas nasaktan siya kesa kay Barbie?

“Well, I don’t know how you want to imply it.

“But it’s supposed to be the one who left you.

“Ang naiwanan, yun ang dapat masaktan.”

Nasaktan nga siya?

“Sino ba ang hindi nasasaktan sa breakup?” balik-tanong niya.

BARBIE’S SEXY PIC. Habang kausap ng PEP, ipinakita naman sa kanya ang larawan ni Barbie na naka-two-piece swimsuit.

Kuha ito sa mga eksena para sa Meant To Be.

Read: Bikini pic of Barbie Forteza praised by Bela Padilla, other celebrities

“She looks beautiful!” bulalas ni Kiko.

“Well, before pa naman, sexy na siya para sa mata ko, and alam ni Barang ‘yan.

“I’m not into sexy, I’m into her…

“Well, dati sexy na siya para sa akin, pero hindi ko siya minahal dahil sexy siya.

“Minahal ko siya dahil matalino siyang tao. Caring siya at saka gets niya ako at gets ko siya.

“But it’s the right love at the wrong time.

“At the end of the day, that’s what happened, e.”

Biro namin kay Kiko, ang daming ipinalit ni Barbie sa kanya—apat na hunks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat kasi ang leading men ni Barbie sa Meant To Be: sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschener.

“Oo nga, pero ako wala akong ipinalit sa kanya,” biro rin niya.

Kapag si Barbie ang tinatanong tungkol sa breakup nila, hindi ito nagsasalita.

Bakit kaya ayaw siyang pag-usapan nito?

Saad ni Kiko, “I don’t know, I guess kasi may bago siyang show and it’s better na hindi ako pag-usapan, baka dun ma-focus.

“Ganun din naman ako sa Mulawin, I’m not gonna…

“Kumbaga, I’m addressing the issue now, but after this, I won’t talk about it.

“You know, Barbie deserves her privacy, and I deserve my privacy.”

AFTER THE BREAKUP. Ayon kay Kiko, pagkatapos nilang mag-break, nagpapadala pa rin siya ng text messages kay Barbie. 

“She did reply, pero may mga messages din na hindi.

“I said ‘Merry Christmas,’ ‘Happy Holidays…’

“But, of course, she’s busy, and I understand her.”

Para kay Kiko, wala naman daw sa ikli o tagal ng relasyon ng dalawang tao kung anuman ang namagitan sa kanila.

“It doesn’t matter if it’s short or long.

“The only thing that matters is it’s real.

“You know, I love her. She’s real, she’s funny.

“I love her in that time span but, you know, I got to respect her decision.

“She’s sexy now, but I loved her before that.”

Itinanggi rin ni Kiko na may third party sa breakup nila.

“No, there’s no third party and it’s not my fault, guys, she left.”

Nakapag-move on na siya?

“Of course, of course,” tugon niya.

“If she did, I can do it. But, you know, hindi siya madali.

“And I don’t wanna be vocal about it because, you know, it’s a private issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I don’t want people thinking that it’s my fault, because it’s not my fault.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN