Ellen Adarna sees nothing wrong being "basag" or "sabog"

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Ellen Adarna responds to a netizen who mentioned about the actress' reputation of being "basag" or "sabog" all the time.


Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na nag-comment tungkol sa pagtawag sa kanya ng ibang tao na laging “basag” o “sabog.”

Ang "basag" o "sabog" ay maaaring tumukoy sa kundisyon ng isang tao na nakainom, lasing o di kaya'y gumamit ng droga.

May mga netizen kasi ang pumuna kay Ellen sa ipinost niyang video sa Instagram dalawang linggo na ang nakararaan.

Sa nasabing video, mapapanood ang aktres at ang ex-boyfriend niyang si Sebastian “Baste” Duterte habang nag-uusap sa salitang Bisaya.

May ilang nag-upload ng video sa YouTube, at binanggit sa mga titulo ang diumano'y pagiging "sabog" ng dating magkasintahan at gumamit umano ng weed o marijuana.  

Sa mensaheng ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nilinaw ni Ellen na nakainom sila ni Baste sa nasabing video.

Sinabi rin ng Kapamilya actress na isang electronic cigarette ang hinihithit ni Baste at hindi marijuana.

Read: PEP EXCLUSIVE. Ellen Adarna slams allegations that she and Baste Duterte were smoking weed in viral video

ELLEN REPLIES. Ngayong Huwebes, February 23, nag-post ng video si Ellen habang tumutugtog sila ng kanyang mga kapatid ng musical instruments.

Sa comments section, binanggit ng netizen (@stellajanine) ang panghuhusga ng marami kay Ellen na lagi raw itong “sabog,” kahit hindi nila kilala ang aktres.

Saad ng netizen sa wikang Bisaya: “Some say permi ka basag. Judge2 agad. Wala lang jud sila kaila nimo.. Wala gani mi kaila jud nimo pero pataka raman tong oras na nga page oy.. (Sabi ng karamihan, lagi kang sabog. Husga-husga agad hindi ka nila kilala maging kami hindi namin kayo kilala. Hindi tama yung oras nung page uy.)”


Sinagot ito ni Ellen at sinabing may “topak” o “basag” din ang karamihan ng musicians at artists, kagaya rin ng pagiging “basag” ng normal na tao.

“Most artist and musicians basag din at may topak. Ganon lang yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit normal na tao nag papa basag din. At normal lang din yan.

“Basta masaya ang buhay.”


Muling sumagot ang netizen at kinatigan ang sagot ni Ellen.

“Basta happy lang jud.. Magbuot man gud sila kung unsay kalipay sa tao.. Daghan sila time mang himantay. (Basta masaya lang tayo. Bakit sila nangingialam sa kung ano ang ikaliligaya ng tao. marami silang oras magbantay sa ibang tao).”



Stories We Are Tracking

Ellen slams alleged use of weed in viral video with Baste
Ellen slams alleged use of weed in viral video with Baste


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN