Will Yassi Pressman be the next Darna?

IMAGE Instagram @yassipressman

Yassi Pressman on speculations that she will reprise Darna under Star Cinema: "Just the fact na naiisip nila na dapat maging part ako or choice… thankful ako, pero wala pa talaga."


Pormal nang pumirma si Yassi Pressman ng two-year-contract sa ABS-CBN noong Miyerkules, Pebrero 23.

Ito ang unang pagkakataong nagkaroon si Yassi ng kontrata sa isang TV network.  

Pahayag ng 21-year-old actress, “It’s an honor… ang dami kong gustong pasalamatan.

“Sobra akong excited for this year, for the next two years.”

Hindi pa maibahagi ni Yassi kung ano ang mga proyektong gagawin niya sa Kapamilya network.

Kaugnay nito, kamakailan ay lumabas ang usap-usapang isa si Yassi sa mga pinagpipiliang posibleng gumanap na Darna sa pinaplanong movie remake ng Star Cinema.

Ngunit nilinaw ni Yassi na wala pa siyang natatanggap na formal offer na siya ang napiling gumanap sa karakter ng sikat na Pinay superhero.

Sabi ni Yassi, “Nakikita ko sa Twitter, sa Facebook… pero hindi.

“Sobrang laking honor… Even if I don’t get to play the role, kung isa ako sa iniisip nila na possible, sobrang nakakatuwa.

“Just the fact na naiisip nila na dapat maging part ako or choice…

“Thankful ako, pero wala pa talaga.”

Nakapanayam ng entertainment reporters si Yassi sa kanyang contract signing, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, noong Pebrero 23.   

@yassipressman #CertifiedKapamilya ????

A post shared by VAA (@vivaartistsagency) on

STILL ANGEL LOCSIN AS DARNA? Noong 2014, inanunsiyo ng Star Cinema na si Angel Locsin ang napiling gumanap na Darna sa isang pelikula.

October 2015 nang maglabas ang ABS-CBN ng official statement na hindi na gaganap si Angel bilang Darna “due to health reasons.”

Ngunit sa isang panayam noong August 2016, naging bukas si Angel sa pagsasabing handa na muli siyang tanggapin ang proyekto sakaling ibigay pa rin ito ng Star Cinema sa kanya.

September 2016 nang lumabas ang ulat kung saan sinabi umano ng Star Cinema head, si Malou Santos, na si Angel pa rin ang gaganap na Darna sa nakatakdang gawing pelikula.

Read: Angel Locsin is still Darna, confirms Star Cinema head


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN