Filipino taekwondo athletes Japoy Lizardo and Janicel Lagman welcome first baby

IMAGE Courtesy of @janlagman on Instagram

Japoy Lizardo's wife Janicel Lagman gave birth to baby Jace Alonzo on Friday, February 24, at the Makati Medical Center.


Isa nang ganap na ama ang Filipino taekwondo athlete na si John Paul "Japoy" Lizardo.

Kahapon, February 24, isinilang na ang kanyang panganay na anak sa asawang si Janicel Lagman sa Makati Medical Center.

Pinangalanan nila ang kanilang baby na Jace Alonzo L. Lizardo.

Unang ibinahagi ni Japoy ang magandang balita sa Instagram post nito kanina, February 25, kalakip ang litrato ng kanyang bagong silang na anak.

Ang caption niya, "Thank you so much Lord for the life of Baby Jace! Thank you everyone for all your prayers!! Good job also mommy @janlagman i love you both!!! #babyjapoynice #babyjacelizardo #prouddaddy"

Nag-post din ang asawa ni Japoy ng kanilang kauna-unahang family picture sa Instagram ilang oras matapos nitong manganak.

Ang buong caption ni Janicel: "Welcome to the world, baby boy? Thank you so much for praying for us @japoy_lizardo @jace_lizardo #babyjapoynice."

Gumawa na rin ng Instagram account ang mag-asawa para sa kanilang anak.

Dito naman nila ibinahagi ang close-up photo ni Baby Jace.

Ikinasal sina Japoy at Janicel sa isang garden wedding ceremony noong nakaraang taon, May 8, sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay City.

Read Japoy Lizardo is now married!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN