Did Alex Gonzaga friendzone Joseph Marco?

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga explains why she felt that she and Joseph Marco are better off as friends: "Kung hindi ka naman sure na siya ang makakatuluyan mo, ayaw mong mabahiran yung relationship ng bad blood. So, parang wala sa aming nagti-take ng risk, mas okey na yung friends na lang kami."


Nilinaw ni Alex Gonzaga ang ilang detalye sa naging pahayag ng kapwa Kapamilya artist na si Joseph Marco kaugnay ng naudlot na panliligaw nito sa kanya.

Sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph, kabilang sa dahilan na binanggit niya kung bakit hindi natuloy ang panliligaw niya sa dalaga ay ang kawalan ng oras.

Read: Joseph Marco reveals why he stopped courting Alex Gonzaga

Komento naman ni Alex tungkol dito, “Siguro parang hindi lang kami nabigyan ng opportunity na magkaroon ng time para mai-level up ang relationship.

“Di ba, during nung time ng Pure Love, di ba, best friend niya si Arjo [Atayde]?

“Di ba, hindi naman kami [magka-love team]?

“Nung ginagawa naman namin yung My Rebound Girl, ayaw naming isama yung pa-cute namin sa isa’t isa doon sa paggawa ng pelikula.

“So, hindi lang talaga kami nabigyan ng proper right time, kaya siguro hindi na rin umabot doon sa next level na sinasabi.”

Hindi raw pinagtuunan ng pansin ni Alex ang intensiyon ni Joseph sa kanya.

Paliwanag pa niya, “Siguro naramdaman ko lang na mas focus namin pareho yung trabaho.

“Ayaw mong madiskaril o maging distraction sa isang tao.

“Gusto mo maging inspiration.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon para sa bagong reality show na I Can Do That, sa Studio 10 ng ABS-CBN compound, noong Miyerkules, March 1.

Sina Alex at Robi Domingo ang hosts ng programa; samantalang competitors-challengers naman sina Arci Muñoz, Pokwang, Gab Valenciano, Daniel Matsunaga, at iba pa.

REASON WHY JOSEPH STOPPED COURTING ALEX. Base pa rin sa interview namin kay Joseph, inamin niyang ang pag-e-entertain ni Alex ng ibang manliligaw ang isang dahilan kung bakit hindi na rin niya itinuloy ang interes sa aktres.

Pakiramdam daw si Joseph ay parang nabastos siya na parang pinagsasabay silang dalawa ng isa pang suitor na ngayo’y boyfriend na ni Alex, ang businessman na si Mikee Morada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo,” maikling pagsang-ayon ni Alex sa pahayag ni Joseph.

Naiintindihan daw ni Alex ang nararamdaman ni Joseph.

“Si Joseph naman, he’s going out also,” banggit niya sa pakikipag-date din ni Joseph sa iba noong mga panahong iyon.

“May sarili rin siyang life, so parang...

“Alam mo yung ang ganda ng samahan ninyo na parang ayaw mo na munang...

“Kung hindi ka naman sure na siya ang makakatuluyan mo, ayaw mong mabahiran yung relationship ng bad blood.

“So, parang wala sa aming nagti-take ng risk, mas okey na yung friends na lang kami.”

Hindi kaya ayaw lang talaga ni Alex magkaroon ng boyfriend na showbiz?

Tanggi niya, “Hindi naman sa ayaw ko ng showbiz.

“Ayaw ko lang lumiit ang mundo ko sa mundong pinagtatrabahuhan ko.

“Yun ang inaano [advice] ng ate ko na, 'Huwag mong paliitin ang mundo mo sa showbiz na pagdaan mo dito sa ABS-CBN, yung ex mo... nothing against them, ha?

“Siyempre, pag gano'n, in the process na hindi kayo nag-work, malilimitahan yung trabaho, yung mga taong puwede mong kausapin.

“Yun ang sabi ng ate ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN