Luis Manzano reaffirms stand on engaging bashers: "Bastusin mo ako, babastusin kita."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano remains firm on his stand in dealing with bashers: "Lalaban pa rin ako. Pumapatol ako—bastusin mo ako, babastusin kita. Sampalin mo ako, lalakasan ko yung sampal, puwera lang siyempre pag babae. Kung paano ka sa akin, ganun ako sa iyo."

 


Dahil ex-girlfriend ni Luis Manzano si Angel Locsin at rumored girlfriend naman niya si Jessy Mendiola, nilalagyan ng kulay ng ibang tao ang mga Instagram posts ng dalawang aktres.

Una nang pinagpiyestahan sa social media ang pagpu-post ni Jessy ng wig sa kanyang Instagram account pagkatapos mag-post ni Angel ng larawan na naka-wig ito.

Binigyang kulay din ng iba ang pagpu-post kamakailan ni Jessy ng throwback picture na maikli ang buhok nito, na tila kinukumpara sa pixie cut ni Angel ngayon.

Sa pagkukumpara at pagsasabong na ginagawa na ito sa dalawang aktres, agad na hiningan ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis Manzano nung nakaraang Lunes sa set ng Minute To Win It.

Ayon kay Luis, “Ang tao makakahanap ng mali.

“Yun lang naman yun, e.

“E, di sabihin ninyo nang harap-harapan.

“Diyos ko naman, nagtatago sa mga account, e.

“ Basta ang tao makakahanap ng mali, makakahanap ng mali.

“Nakakatawa nga, 99% ng mga bashers God yung profile nila.

“Puro child of Jesus, follower of Christ, pero kung anu-ano ang pinagpu-post.

“People will always compare, yung mga medyo kulang-kulang, yun ang gagawin nila.

“Instead na live their own life, appreciate what they have, maghahanap pa rin ng problema yun kasi puro negativity ang buhay nila.

“You know bashers one thing for sure, they are failures in life kaya naghahanap sila ng puwedeng ibagsak para they don’t feel bad about their own failures.

“There will never be a successful basher, tandaan mo ‘yan.

“Kasi if you are truly successful, you don’t have time to bash.

“So lahat ng mga ‘yan puro mga sawi.

“Very unhappy ‘yan—failure sa trabaho, sa pamilya, they failed as wives, as mothers, as fathers.

“Puro failure kaya naghahanap sila ng puwedeng ibababa din to make them feel better about themselves.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayusin nila buhay nila para di sila hahanap ng taong ibababa.”

AN EYE FOR AN EYE.” Sa mga interviews noon kay Luis ay laging sinasabi nito na pumapatol talaga siya sa mga bashers. Ayon sa TV host, hanggang sa ngayon ay di pa rin nagbabago ang stand niya tungkol dito.

Read: Luis Manzano explains why he prefers to engage his bashers: "It's a mental exercise."

Diin niya, “Hindi.

“'Lala' pa rin ako.

“Lalaban pa rin ako.

“Pumapatol ako—bastusin mo ako, babastusin kita.

“Sampalin mo ako, lalakasan ko yung sampal, puwera lang siyempre pag babae.

“Kung paano ka sa akin, ganun ako sa iyo.

“Never akong nagsimula ng away.

“Pumapatol ako.

“Pag lalake ka, may problema ka sa akin, puntahan ninyo ako sa gym, usap tayo dun.

“Kung gusto ninyong magpapawis, walang problema.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN