Police nabs killers of Masculados member Ozu Ong

IMAGE @ozuong / @gmanews on Twitter

Matapos ang halos isa't kalahating taon, nasakote na ng pulisya ang mga suspek sa pagpatay sa Masculados Dos member na si Ozu Ong (kaliwa) nitong nakaraang Biyernes, March 3. Ang pangunahing suspek sa krimen ay si Kristopher Kyle Ernie (kanan).


Nahuli na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Masculados Dos member na si Marcelo de Guzman Ong II, o mas kilala sa screen name na Ozu Ong.

Ayon sa impormasyong ipinamahagi ng Quezon City Police District (QCPD) sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may nakuhang tip ang pulisya sa kinaroroonan ng suspek na si Kristopher Kyle Ernie.

Dahil na rin sa impormasyong mapanganib at armado ang suspek, nagsagawa muna ng surveillance ang mga awtoridad sa lugar.

Hanggang sa makorner nila si Ernie sa isang bakanteng lote sa Atherton St., malapit sa Atherton Bridge, North Fairview Subdivision, Brgy. Santa Lucia, Quezon City, noong Biyernes, March 3.

Isang pending warrant of arrest ang hawak ng pulisya para sa tuluyang pagkasakote sa supek.

Si Ernie ang pangunahing suspek sa carjacking incident na naganap malapit sa Primrose Hills Subdivision sa Angono, Rizal, noong madaling-araw ng Agosto 2, 2015, na ikinasawi ni Ozu Ong. 

Read: Masculados Dos member Ozu Ong shot dead in carjacking incident in Angono

Kasama ni Ernie na naaresto ang dalawa pa niyang kasabwat sa pagpatay kay Ozu—sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal.

Nakatakas naman ang isa pang supek at kasamahan din nilang si Dennis Franco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN