Barbie Forteza on sensational bikini pics: "Nagkalat ang scandal ko. Dyusko!"

IMAGE Barbie Forteza Instagram

She's done it for the first time for television, will a cover pictorial in swimsuit for a men's magazine to follow? Barbie Forteza is firm, "Obviously, kaya ko naman, pero ayoko. Aktres kasi ang pangarap ko, hindi naman as sexy star."


Positibo ang naging resulta ng unang attempt ni Barbie Forteza na magsuot ng bikini sa telebisyon.

Ito ay nangyari sa kanyang toprating primetime series sa GMA Network, ang Meant to Be.

Mismong ang daddy pa nga raw ni Barbie ang namili ng bikini na isinuot niya.

Kuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “May binili sila, conservative… bikini tops tapos naka-shorts ako.

“E, kasama ko si Daddy noong time na yun, sabi niya, ’Bakit ka magsu-short, tatlong linggo kang hindi kumain. Pinaghirapan mo ‘yan.’

"So, dyubad [hubad]!

“Pero the whole time na kinunan namin ang eksena, nandoon si Daddy.”

"She believed she could so she did"

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

GO, GIRL. Ikinatuwa ni Barbie na ilan sa mga kasamahan niyang artista ay nagpakita ng suporta at paghanga sa naglabasang mga larawan na naka-bikini siiya.

Kabilang na rito sina Ai-Ai delas Alas, Bela Padilla, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, Rochelle Pangilinan, at Joyce Ching.

Read: Bikini pic of Barbie Forteza praised by Bela Padilla, other celebrities

Natatawang lahad ni Barbie, “Noong time lang na yun, nag-taping kami ng Full House kaya hindi ko agad nakita.

“Nagkalat ang scandal ko. Dyusko!”

Ang lahat naman daw ng larawan niyang lumabas ay kuha lamang ng direktor nila na si L.A. Madridejos.

“Sa kanya lang ako pumayag na magpa-picture, kasi nga, hindi po talaga ako sanay. 

“Di ba dati, nag-pose na ako ng picture na naka-swimsuit? Pero nakatalikod at personal getaway ko yun.

“Kumportable ako dahil family ko ang kasama ko.

“E, especially now, puro boys ang kasama ko, nakakailang talaga.”

Summer came early for JEYA and Billie! ???????? #MTBBeachBodyReady ???? : @akosila

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

May offer na ba kay Barbie na mag-cover girl sa men’s magazine, tulad ng FHM?

Sagot ng 19-year-old actress, “Wala, wala pong nakararating sa akin.

"Nakikita ko naman po ang mga articles nila, pero wala po…"

Kung sakali, kaya niya?

Ayon kay Barbie, “Kaya kung sa kaya. Obviously, kaya ko naman, pero ayoko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka katulad din siya ng iba na umayaw sa umpisa, pero napapayag din sa bandang huli?

Iling ni Barbie, “Hindi siguro, at saka aktres kasi ang pangarap ko, hindi naman as sexy star.”

Sa ngayon, masaya raw siya sa magagandang nangyayari sa primetime series nilang Meant To Be.

Bukod sa mataas na ratings ay ramdam nila ang mainit na pagtanggap sa kanila saan man sila magpunta.

Ani Barbie, “Sobrang saya naming lahat, pero siyempre, nandoon ang pressure lalo na pagdating sa ratings.

“Sobrang sensitive namin sa ratings, konting baba, nag-a-adjust kami agad.

“Malaking bagay sa amin ang viewers, ang comments ng viewers.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN