G Tongi calls out Mocha Uson for "bullying" Vice President Leni Robredo

IMAGE Cyrus Panganiban for YES! / @gtongi on Instagram

G Tongi to Mocha Uson: "Stop spreading lies, propaganda & #AlternativeFacts @MochaUson Get a real job instead of creating vitriolic divisions between Pinoys."


Muling na namang nagsagutan sa social media ang actress-host na si G Tongi at ang sexy star-turned-blogger nitong Biyernes, March 10.

Noong nakaraang Huwebes, March 9, umalma si Mocha sa mga supporter ni Vice President Leni Robredo dahil ang mga ito umano ang naging dahilan kung bakit na-suspend ang kanyang Twitter account.

Read: Mocha Uson blames VP Leni Robredo supporters for suspension of her Twitter account

Bilang tugon sa mga ito, sinimulan naman ni Mocha ang #LeniTrolls sa Twitter at hinikayat ang kanyang followers na gamiting nasabing hashtag.

Tweet ni Mocha, "Hashtag po natin ay #LeniTrolls dahil pugad nila ang Twitter."

Ipinagtanggol naman ni G Tongi si VP Robredo mula riito at sinabihan ang baguhang MTRCB (Movie and Television Ratings and Classifications Board) board member na tigilan ang diumano'y pambu-bully nito.

Mensahe ni G Tongi kay Mocha, "@MochaUson a woman of substance does not need to put a woman like @lenirobredo down. Stop being a #bully. Have some humanity!"


Dagdag pa ni G Tongi, "Stop spreading lies, propaganda & #AlternativeFacts @MochaUson Get a real job instead of creating vitriolic divisions between Pinoys."


Sinagot naman ni Mocha ang paratang ni G Tongi at sinabing sila ang nagpapakalat ng maling balita.

Tweet ni Mocha, "Iba ka talaga @gtongi kayo ang nanggugulo sa bayan at nagpapakalat ng fake news about our country. Mahiya ka nga. #LeniTrolls"


Dugtong pa nito, "Good things brought by Duterte admin are not #AlternativeFacts they are facts that you continue to disregard in ur blind hate 2wards him."


Sa huli, muling nagpasaring si G Tongi sa Twitter bilang tugon kay Mocha.

Sulat nito, "Waking up in Los Angeles to #MochaFloppe Wat does that say? That paid online armies don't have the comprehension to compress thought #truth."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi ito ang unang beses na nagkainitan ang dalawa sa social media.

Nitong nakaraang January 25, binuweltahan ni Mocha si G Tongi nang kuwestyunin nito ang kanyang kakayanan at qualification bilang MTRCB Board Member nang bumisita ang Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa U.S.

Read: G Tongi questions MTRCB appointment of "sex blogger" Mocha Uson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN