Pokwang hints at live-in-partner Lee O'Brian's financial status

IMAGE Instagram @itspokwang27

Pokwang on live-in-partner Lee O'Brian's financial status: "Sabi ko nga sa kanya, hindi naman ako magarbong babae." 


Kinumpirma ni Pokwang na mayroon silang planong magpakasal ng kanyang live-in partner na si Lee O’Brian.

 

Pero hindi raw sila nagmamadali lalo pa’t aminado si Lee na kailangan muna nitong pag-ipunan ang kanilang kasal.

 

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda kagabi, March 16, nagdetalye si Pokwang tungkol sa usapan nila ng American boyfriend.  

 

“Dumating yung mga parents nung January 29... Ayun po.

 

“Naintindihan ko naman yung nanay. Kasi sabi niya, ‘Alam mo naman yung anak ko... Hindi naman kami ano... Hindi kami ganyan, ganyan.’

 

“Pero nag-iipon po siya.”

 

Hindi man tuwirang binanggit ni Pokwang, ipinahiwatig niyang hindi isyu sa kanya kung hindi man galing sa marangyang pamilya si Lee.

 

Dagdag ng Kapamilya comedienne, “Sabi ko nga sa kanya, hindi naman ako magarbong babae.”

 

Sa Instagram post ni Lee noong January 30, ibinihagi niya ang larawan ng kanyang mga kaanak nang bumisita ito sa Pilipinas.

 

Samantala, tinanong din ng host na si Boy Abunda si Pokwang kung kakayanin niya sakaling mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Lee.

 

Kumpiyansang sagot ng comedienne, “Ano kasi ako, Tito Boy, napaka-fighter kong tao.

 

“Siguro kung masasaktan ako ulit ngayon, siguraduhin lang ng mananakit sa akin na kaya niyang saluhin yung mga nagmamahal sa akin na ipagtatanggol ako.”

 

Gayunman, agad nilinaw ni Pokwang na matibay ang pundasyon ng relasyon nila ni Lee.

 

Aniya, “Pero hindi ko nakikita sa kanya yun [na iiwan ako].”

 

Naging magkarelasyon sina Pokwang at Lee noong January 20, 2015—ilang araw matapos ipalabas ang kanilang pelikulang Edsa Woolworth.

August 2015 nang aminin ni Lee na nagsasama na sila ni Pokwang sa bahay ng huli. 

Read: Lee O'Brien admits living together with Pokwang


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN