Yen Santos defends Piolo Pascual against malicious comments about kissing video with son Iñigo

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos on rumors about leading man Piolo Pascual: "For sure naman po, hindi rin naman niya pinapatulan ang mga ganyan. Mas okey po na tumahimik na lang at huwag nang patulan ang mga ganyang isyu. Hindi naman kasi makakatulong, at alam naman niya ang totoo."


Ipinagtanggol ni Yen Santos si Piolo Pascual tungkol sa iniintrigang viral kissing video nito sa kanyang anak na si Iñigo Pascual.

Magkasama sina Yen at Piolo sa pelikulang Northern Lights: A Journey To Love ng Regal Entertainment, Inc., Star Cinema, at Spring Films.

Sa kabila ng pahayag ni Piolo na ayaw niyang patulan ang bashers at sa halip ay itinuturing niyang isang blessing ito, hindi pa rin maiwasan ni Yen na magbigay ng sarili niyang opinyon tungkol sa nasabing isyu.

Read: Piolo Pascual on viral kissing video with son Iñigo: "It's a blessing."

Pakli ni Yen, “Ano po yun, expression po yun, ganun po silang magmahalan na mag-ama, so bakit po natin yun kukuwestyunin?

“Well, ako po, sa family ko, ganun din ako, e.”

Ang pamba-bash na ito sa Kapamilya matinee idol ay bunga raw ng hindi pa rin matapus-tapos na pagdududa ng netizens sa sekswalidad ni Piolo.

Ano ang masasabi ni Yen dito?

Saad niya, “Pagdating po kasi sa ganyan, hindi po ako nangingialam.

“For sure naman po, hindi rin naman niya pinapatulan ang mga ganyan.

“Mas okey po na tumahimik na lang at huwag nang patulan ang mga ganyang isyu.

“Hindi naman kasi makakatulong, at alam naman niya ang totoo.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yen sa grand mediacon ng Northern Lights, na ginanap sa Valencia Events Place, sa Quezon City, kahapon, March 20.

PIOLO AS A FATHER. Sa tagal nilang pagtatrabaho, na kinunan pa ang maraming mahahalagang eksena ng pelikula sa New Zealand at Alaska, ni minsan daw ay hindi pinagdudahan ni Yen ang pagkalalaki ng kanyang leading man.

Pahayag niya tungkol kay Piolo, “Sobrang bait niyang ama kay Iñigo, at sobrang bait niya bilang tao.

“Kahit nga kay Raikko [Mateo], sobra siyang maglambing.

“Lagi niya itong niloloko at lagi silang nagbibiruan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung isang bata nga, ganun siya, e, mas lalo pa nga sa kanyang anak, di ba?

“At saka close na close naman sina Papa P at Iñigo sa isa't isa, kaya ganun talaga sila ka-sweet.

“Para sa akin, napakasuwerteng anak ni Iñigo na si Papa P ang naging ama niya.”

Si Raikko ang gumaganap bilang anak ni Piolo sa Northern Lights, na ipapalabas sa March 29.

Napag-usapan ba nila ang tungkol sa intrigang ito?

Sagot ng 24-year-old actress, “Hindi po, hindi naman napag-usapan.

“Wala naman kaming dapat pag-usapan tungkol diyan.

“Ang saya-saya lang namin kapag nagkakasama kaming lahat.”

LEADING LADY. Samantala, bilang leading lady ni Piolo, marami rin pala ang nang-intriga kay Yen kung bakit siya ang napili para sa role na ito.

Aniya, “Totoo po yun.

“Yun na po ang pinakamalaking intriga since nag-start ako sa showbiz.

“Marami nga ang nagtatanong kung bakit ako ang napili sa dinami-dami nga po.

“Well, sa akin naman po, everything happens for a reason.

“Lahat naman ay may dahilan kung bakit ako ang napili, pero tahimik lang po ako.

“Thankful and grateful na lang po ako na sa akin ibinigay ang project na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN