Vicki Belo denies bashing President Duterte over malnourished animals in Palawan

IMAGE Vicki Belo Instagram

Itinanggi ni Dra. Vicki Belo na binatikos niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang IG post na kanya ring binura. Ipinost lang daw niya ang tungkol sa kalagayan ng mga hayop sa Palawan upang makarating sa mga kinauukulan.


Pinabulaanan ni Dra. Vicki Belo na binatikos niya ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang deleted Instagram post nitong Miyerkules, March 22. 

Sa nasabing deleted IG post, sinabi ni Dra. Belo na isang buwan nang walang feeds ang zebras at giraffes sa Calauit Sanctuary Park sa Busuanga, Palawan, kaya nangangayayat daw ang mga ito.  

Caption ni Belo sa larawan ng zebras: “Can you believe that this is in the #philippines? These animals were donated to us during Marcos regime and have lovingly cared for until P-Noy administration.

“Unfortunately, since the Duterte administration came in, they have been forgotten and have not received any feeds for a month now.

“Please help save these beautiful #zebras and #giraffes.”

Hindi naman ito ikinatuwa ng ilang netizens at inulan ng batikos ang celebrity beauty doctor.

Read: Vicki Belo bashed after blaming Duterte government for malnourished zebras, giraffes in Palawan

"I AM NOT BASHING PRESIDENT DUTERTE." Sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Dra. Belo sa PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Biyernes ng madaling-araw, March 24, nilinaw nitong hindi niya binatikos ang Pangulo.

Aniya, "I want to make it clear that I am not bashing President Duterte. 

"As the leader of our country, he has my support. 

"I'm aware that he has to worry about so many more important things that I'm sure he's not even aware of this situation."

Dagdag pa ni Dra. Belo, ang kanyang buradong Instagram post ay ginawa niya upang mabigyan ng atensiyon ng mga kinauukulan ang kalagayan ng mga hayop sa Calauit Sanctuary Park. 

"The IG post was done to bring attention to the plight of these beautiful animals as shared to us by their caretakers."

Hindi raw siya agad nakasagot sa aming mensahe dahil kasalukuyan siyang nasa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN