Tom Rodriguez's American father passes away

IMAGE @popoycaritativo on Instagram

Tom Rodriguez's dad, William Albert Mott Sr., passed away Saturday, March 25, 2017, (USA time). Tom first opened up about his father's fight against cancer last August 2016. He flew to the States last March 17 to be with his dad during his last moments.


Pumanaw na ang ama ni Tom Rodriguez na si William Albert "Bill" Mott Sr., nitong Sabado, Marso 25, 2017 (USA Time).

Inanunsiyo ng talent manager ng Kapuso actor na si Popoy Caritativo ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang Instagram post kaninang umaga, Marso 26.

Aniya, "I would like to inform the friends and supporters of Tom Rodriguez that his father, Mr. William Albert "Bill" Mott Sr. has passed away Saturday, 1:00 PM Arizona, USA time.

"Tom flew to the United States last March 17 to be with his family and was by his father's side during his last moments.

"We would like to ask for prayers for the Mott family at this very sad time."

Nagbigay galang naman ang girlfriend ng binata na si Carla Abellana sa kanyang latest Instagram post.

Caption ni Carla sa litrato ng ama ni Tom, "The strongest man i've known ??"

Walang ulat kung ano ang ikinamatay ng ama nito.

Ngunit matatandaan na noong Agosto 2016 ay unang naibahagi ng binata ang tungkol sa sakit na lung cancer ng kanyang 76-anyos na ama.

Lahad niya, “It’s a poorly differentiated carcinoma, it’s a sarcoma."

Dumaan ito sa operasyon, pati na rin ang chemotherapy at alternative medicine na medical marijuana.

READ: Tom Rodriguez reveals his father's fight with cancer


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN