Rocco Nacino admits fault in short-lived romance with Arianne Bautista

IMAGE Rocco Nacino Instagram / Arianne Bautista Instagram

Rocco Nacino admits his fault in his short-lived relationship with Kapuso actress-host Arianne Bautista: "I was the one at fault. "In-explain ko naman sa kanya na hurt pa ko from my past relationship at natakot ako na baka makasakit lang ako."


Naging usap-usapan noong isang taon na nagkaroon ng relasyon ang dalawang Kapuso stars na sina Rocco Nacino at Arianne Bautista.

Read: Arianne Bautista dismisses rumored relationship with Rocco Nacino

Yun nga lang, maituturing na “short lived” lang daw ang naging relasyon nila.

Hindi naman itinanggi ni Rocco ang isyung ito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa set visit ng Encantadia noong March 21 sa Makati.

Sabi niya, “I was the one at fault.

“I made her understand na hindi pa 'ko ready na ibigay ang ano... inamin ko sa kanya.”

Umabot din naman daw ng buwan ang naging relasyon nila.

Maayos naman daw ang naging paghihiwalay nila.

“In-explain ko naman sa kanya na hurt pa ko from my past relationship at natakot ako na baka makasakit lang ako.

“So, I chose to be na ano muna...” saad niya.

Ang binabanggit ni Rocco na past relationship ay ang halos dalawang taong relasyon nila ng Kapuso actress na si Lovi Poe na kamakailan lang nagkaroon ng closure.

Sila ni Arianne, may closure rin?

“Yeah, yeah, nag-usap kami nang maayos,” giit niya.

BOOMING LOVE TEAM. Ang kilalang ka-loveteam niya ngayon ay si Sanya Lopez dahil sa primetime fantaserye nila na Encantadia bilang sina Danaya at Aquil.

Nagkaroon din daw sila ng fans day kamakailan lang.

“Punung-puno ang Rufo’s at kaya namin ginawa yun, yung DanQuil at yung mga fans ko, fans niya, para mag-meet silang lahat and get acquainted with each other, magkaroon ng friends.

“Yung iba kasi, pumunta, mag-isa lang.

“Nakakatuwa yung may binubulong lang ako sa tainga ni Sanya, nagsisigawan na sila,” masayang kuwento ni Rocco.

Sabi pa niya, “First time kong magkaroon ng loveteam na... well, hindi ako loveteam na loveteam talaga, ayoko, di ba?

“But now, we’re playing with it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa nga si Rocco na kapag natapos na ang Encantadia ay mabigyan pa rin sila ng follow-up projects ng GMA-7 kunsaan silang dalawa pa rin ni Sanya ang magkatambal.

“Sana, sana mabigyan pa rin,” saad niya.

GETTING CLOSE TO SANYA. Naging malapit na raw talaga sila ni Sanya sa isa’t isa at ayon dito, kahit meron siyang naide-date na non-showbiz girl, mas masasabi niya raw na mas close pa rin siya kay Sanya kesa rito.

Lahad niya, “Masasabi ko talagang mas close pa rin si Sanya sa akin.

“Ito yung pinaka-closest namin, we got to talk a lot.”

Bakit hindi na nga lang si Sanya ang ligawan niya?

“We’re very close but like I’ve said, gusto ko ready ako.

“Tinatantiya ko pa ang sarili ko,” nakangiti niyang sabi.

Hindi ba niya nakikitang puwede silang mauwi sa romantic relationship ni Sanya?

Ani Rocco, “Siyempre, she’s someone na dapat alagaan talaga.

“She’s someone special to me. She’s wonderful.”

Dugtong pa niya, “Ayaw ko lang siya na maging for show.

“Kung magkakaroon kami ng something, dapat maganda yung foundation talaga.

“Let’s see.”

BONDING WITH ENCANTADIA FAMILY. Pinakamahabang serye na raw na nagawa niya ang Encantadia.

“Iba, iba ang feeling at saka ano, siyempre for the artist, okey siya.

“But to be part of the family, iba.

“Nagkaroon ako ng panibagong pamilya and almost every day, magkasama kami.

“Si Carlo [Gonzales], sobrang close ko na ‘yan.”

Naging magkasosyo na rin sila ni Carlo sa kanilang restaurant business na Yuan.

Sabi pa niya, “To be part of this show, we’re happy na flagship siya ng GMA ngayon.”

BIRTHDAY WISH. Noong March 21 ang ika-30th birthday ni Rocco.

Ano ang naging birthday wish niya?

Saad niya, “Lots of energy for myself dahil sa lahat ng ginagawa ko, with the businesses, being an athlete and acting din, yung lakas ng twenty years old, sana nandun pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As I grow older, sana I make better decisions, more mature ones and prioritize starting a family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN