Alex Gonzaga explains why she wants her parents' approval of BF Mikee Morada

IMAGE Instagram @cathygonzaga

Alex Gonzaga on her relationship with non-showbiz boyfriend Mikee Morada; "...yes even before i started dating him i asked for my family's approval coz I believe in their discernment."


Hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang pagkuwestiyon ng ilang netizens sa relasyon niya at ng non-showbiz guy na si Mikee Morada.

Sa Instagram thread ni Alex ay makikitang sinagot niya ang isang netizen na may handle name na @tbtgiants.

Tila pinuna nito ang paghingi ng Kapamilya actress-TV host ng opinyon ng mga magulang sa kanyang buhay-pag-ibig.  

Pahayag ng 29-year-old Kapamilya star, “Obviously you dont get approvals from a baby but yes even before i started dating him i asked for my family's approval coz I believe in their discernment.

“Napagusapan ko yan sa book2 ko, ganito tom try to buy it sa national bookstore para magets mo na yes, kelangan mo parin ng approval ng parents or family sa idedate mo :)”


Kaugnay ito ng ibinahagi ni Alex na Instagram photo kasama ang nobyo at pamangkin na si Severiano Elliott o Baby Seve.

Si Baby Seve, o chabiloo kung tawagin ni Alex, ay anak ng kapatid niyang si Toni Gonzaga at mister nitong si Paul Soriano.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing, “Approve ba chabilooo?? Don't worry tinang loves you more Hehehehehehehe @severianoelliott”

Burado na ang comment ng Instagram user na si @tbtgiants, pati na ang ibang comments ng netizens na diumano'y nagbitiw ng hindi magandang salita laban kay Alex.

Base na rin ito sa Instagram comments ng mga tagasuporta ni Alex na agad dinepensahan ang dalaga.




Read: Alex Gonzaga, Mikee Morada reveal love story for the first time


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN