PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla insists he's not seeking government post

Robin Padilla to showbiz personalities: 'Kakampi niyo ako.'
by Nerisa Almo
Published Apr 3, 2017 | Updated Apr 3, 2017
Robin Padilla on not seeking a government position: "Kung nasa gobyerno ako, hindi ako makakapagsalita... Dahil wala ako sa gobyerno, kakampi niyo ako."

Bagamat kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi raw inaasam ni Robin Padilla na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Ilan sa mga kilalang personalidad na sumuporta kay Duterte noong May 2016 elections ay may mga posisyon na ngayon sa gobyerno.

Kabilang dito sina Aiza Seguerra, chairman of National Youth Commission; Liza Diño, chairperson of Film Development Council of the Philippines; Arnell Ignacio, assistant vice president for Community Relations and Social Services of Pagcor; Cesar Montano, Tourism Promotions Board Chief Operating Officer of Department of Tourism; at Mocha Uson, board member of Movie and Television Review and Classification Board.

Ngunit ayon kay Robin, wala sa pagkakaroon ng puwesto ang paraan ng pagtulong sa gobyerno.

“Kung gusto mong makatulong sa gobyerno, puwede kang nasa gobyerno.

“Kung puwedeng wala ka sa gobyerno, mas magandang wala ka sa gobyerno.

“Kami yung wala sa gobyerno. Kasi, puwede naming sabihin kay Mayor, 'Mayor, hindi kami kumportable diyan.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa turnover ng mga libro sa mga estudyante ng University of the Philippines Integrated School, na ginanap sa Rosario, Pasig City, nitong Linggo, April 2.

Ang proyektong ito ay pinamunuan ng Moneygram sa tulong ng ASIA Foundation.

Sa tingin ni Robin, mas mainam ding wala siyang anumang posisyon sa gobyerno nang sa gayon ay mananatili siyang kakampi ng mga taga-showbiz.

Paliwanag ng 47-year-old actor, “Halimbawa, may mga bagay na tungkol sa mga artista.

“Kung nasa gobyerno ako, hindi ako makakapagsalita.

“Hindi ko masasabi na huwag naman niyong pag-initan ang mga artista kung nasa gobyerno ako.

“Dahil wala ako sa gobyerno, kakampi niyo ako.”

Dagdag ni Robin, “Hindi ba, mas maganda na may kakampi ka na dikit kay Mayor?

“Kasi, kawawa ang showbiz, 'tol. Tandaan natin, kawawa ang showbiz.

“Wala na nga tayong boses sa showbiz, e.”

Asam pa ni Robin, “Sana nga, magkaisa tayo at magkaroon tayo ng boses.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Lagi na lang tayong pinag-iinitan, sa tax...

“Natapos tayo sa tax, ngayon drugs naman. Kawawa naman tayo.”

Sa kasagsagan ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga, nagkaroon ng panukalang ilabas din ang listahan ng mga personalidad sa showbiz na pinaghihinalaang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Isa sa Robin sa mariing tumutol sa panukalang isapubliko ang mga pangalan ng showbiz personalities.

Read: Robin Padilla not in favor of publicly naming showbiz personalities involved in drugs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla on not seeking a government position: "Kung nasa gobyerno ako, hindi ako makakapagsalita... Dahil wala ako sa gobyerno, kakampi niyo ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results