Very proud si Albie Casiño dahil sa pagkapanalo ng kanyang girlfriend na si Michelle Arceo sa grand finals ng “Miss Wow, Gandang Filipina” ng Wowowin, nitong nakaraang Biyernes, March 31.
Tinalo ni Michelle ang 22 pang finalists sa timpalak na tumakbo ng halos anim na buwan sa ere.
Ayon kay Albie, sinamahan niya si Michelle sa studio ng GMA Network noong grand finals.
“She won the grand finals," pagmamalaki ng 24-year-old actor.
Tuluy-tuloy na ba ang pagpasok ni Michelle sa showbiz?
Ayon kay Albie, "I don’t know. I don’t know what her plan is.
"I don’t meddle in her decisions.
"She can do whatever she wants. I’m just here to support."
Anong pakiramdam niyang proud si Michelle sa pag-amin noon sa Wowowin na siya ang boyfriend nito?
“Proud na proud din naman ako na siya yung girlfriend ko, e,” sagot ni Albie.
Read: Albie Casiño's girlfriend joins Wowowin beauty search
Anong kaibahan ng relasyon nila ni Michelle sa mga naging relasyon niya noon?
Saad niya, “I’m more mature now.
"How old I am when I’m with Andi [Eigenmann], 15? I’m 24 now.
“It’s almost ten years when I met her.
“When I started dating Andi, my parents weren’t happy about it.
"Of course, I’m super young, I’m still in high school.
"I met Andi when I was 15, started dating when I was 16. And then dated 'til I was like 18.
"So, when I was 17, I was working na, making my own money.
"So, I thought I was grown up, I thought I knew everything.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie sa pocket presscon nito ngayong Martes ng tanghali, April 4.
Ito ay para sa pinagbibidahan niyang online series sa Digital 5 Studio, ang The Complex.
THE COMPLEX WEB SERIES. Ang The Complex ang pangalawang web series ng Digital 5 Studio matapos ang successful hit series nitong Forever Sucks, na pinagbidahan ni Jasmine Curtis-Smith.
Tumatalakay ito sa buhay ng isang nurse, na ginagampanan ni Albie, na makakaranas ng kakaibang mga panaginip mula nang lumipat sa isang apartment complex sa Manila galing Tacloban City.
Ibang Albie raw ang mapapanood dito dahil mabait ang kanyang character, hindi katulad sa dark characters niya sa mga pelikulang The Animals at Die Beautiful.
Makakasama rito ni Albie sina Emmanuel Vera, Boo Gabunada, at Lou Veloso; mula sa direksiyon ni Prime Cruz.
Mapapanood ito simula April 15 sa www.youtube.com/D5Studio.

