PAWS dismayed by dismissal of animal cruelty complaint vs Oro

IMAGE Photo Grabbed from You Tube

PAWS expresses its disappointment after the dismissal of their animal cruelty complaint against the director and producers of the film Oro. Nonetheless, the animal rights group vowed to do everything to reverse the decision made by the Pasig City Prosecutor's Office.


Ikinalungkot ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS ang desisyon ng Pasig City Prosecutor’s Office na ibasura ang reklamong inihain nila laban sa direktor at producers ng pelikulang Oro dahil sa eksenang pagkatay sa aso.

Ang Oro ay entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Read: Oro filmmakers under fire for "killing a dog" in the movie

Inireklamo ng PAWS ang direktor ng Oro na si Alvin Yapan at mga producer nitong sina Jane Gonzales, Mark Shandi Bacolod, at Arriande Dulay dahil sa paglabag umano ng mga ito sa Section 9 of RA 8485 o Animal Welfare Act.

Sa inilabas na official statement ng animal welfare group ngayong araw, April 7, sinabi nitong naninindigan silang kailangang may managot sa animal cruelty na nakapaloob sa pelikula.

Hindi rin daw sila titigil upang mabago ang ibinabang desisyon sa kanilang reklamo.

Narito ang buong official statement ng PAWS:  

“It is a sad day for animal welfare.

“Today, we received a copy of the Resolution of Pasig City Assistant Prosecutor John Y. Ong dismissing the PAWS Complaint versus the "Oro" movie director and producers Alvin Yapan, Jane Gonzales, Mark Shandi Bacolod and Arriane Dulay for violation of Section 9 of RA 8485.

PAWS firmly believes that there is probable cause to hold these people criminally liable for violation for the act of making business out of cruelty to an animal and will pursue its legal remedies to reverse the above resolution.

“The accused have not denied the brutal killing of the poor defenseless dog in this case nor have they denied that they filmed and included the same in their movie.

“This is a clear violation of the Animal Welfare Act and should not be excused by either the Prosecutor's office or society.

“While this news initially was disappointing to our team of volunteers seeking justice for the dogs who were killed in the making of the ORO movie, this development has strengthened PAWS' resolve to pursue all other available legal actions against the filmmakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Further, PAWS will continue to lobby for and raise awareness about the humane treatment of animals used in film production and in the media and entertainment industry. Animals deserve to be treated with kindness and respect.
#justiceforOROdogs #crueltyisnotart”

December 2016 o MMFF season nang manawagan ang PAWS sa executive committee ng MMFF na itigil ang pagpapalabas ng Oro sa mga sinehan dahil sa malinaw na kaso ng animal cruelty na nakapaloob dito.

Umani rin ng batikos ang nasabing pelikula, maging ang mga artista, dahil sa eksena ng dog slaughter.

Dumipensa naman ang direktor ng pelikula na wala silang kinalaman sa pagpatay ng aso. Kinunan lamang umano nila ang eksena sa isang probinsiya na ginagawa talaga ang pagkatay ng aso.

Read: Oro director Alvin Yap justifies scene where a dog was slaughtered

Gayunpaman, ipinag-utos ng MMFF Execom na tanggalin ang maselang eksena ng pagkatay ng aso, ngunit patuloy na ipinalabas ang pelikula sa ilang sinehan.

Read: MMFF prohibits Oro from showing dog-slaughter scene in theaters

Hindi namang nagkomento ang komite hinggil sa akusasyon ng PAWS laban sa production team ng Oro, na nagsinungaling umano ang mga ito nang sabihin nilang wala silang pinatay na aso sa pelikula.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN