Ara Mina and Patrick Meneses together again?

IMAGE Instagram photo of Kathelyn Dupaya

"Nagkabalikan na po ba sila?" a netizen asked about the photo of Ara Mina and Mayor Patrick Meneses taken during their recent trip in Brunei.


Nagkabalikan na ba ang aktres na si Ara Mina at si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses?

Ito ang tanong ng netizens na nakakita ng mga larawan ng dalawa na in-upload ng isang netizen sa Instagram.

Kuha ang mga larawang ito mula sa maiksing bakasyon nila sa Brunei nitong nakaraang Holy Week.

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Kasama rin sa trip na ito ang anak nina Ara at Patrick na si Amanda Gabrielle.

Sa ilan pang kuha nina Ara at Patrick, na naka-post sa Instagram account ng isang Kathelyn Dupaya, kapansin-pansin ang pagiging sweet nilang dalawa.

Sabi pa ng Instagram user sa caption nito ng larawan nina Ara at Patrick: “God is Good together again love u both.”

God is Good together again love u both

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Sa isa pang larawan ng dating magkasintahan ay ito ang inilagay na caption ni Kathelyn: “congrat[s] Ara and Patrick....... baby boy is processing.”

congrat ara and patrick....... baby boy is proceesing

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Sa larawan nina Ara at Patrick na astang kumukuha ng selfie shot, may isang netizen ang nagtanong: “Nagkabalikan na po ba sila?”

how sweet

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Walang direktang sagot dito si Ara o ang uploader.

Ngunit sa sumunod na post ng Instagram user, makikitang sumagot si Ara.

i love u both #aramina

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Nag-post din ng Instagram video ang user, kung saan mapapanood na naka-abrisiete si Ara sa braso ni Patrick habang bumababa ng hagdanan.

Biniro pa sila ng kumukuha ng video: “Rehearsal.”

Caption dito ng uploader: “my forever na nga.”

my forever na nga

A post shared by kathelyn dupaya (@mkd_3776) on

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin mula mismo kay Ara, sa pamamagitan ng private message sa Instagram, kung nagkabalikan na nga sila ni Patrick.

Ngunit wala pang anumang sagot na natatanggap ang writer na ito mula sa aktres.

Sa panayam kay Ara noong December 2016, sinabi niyang nanatili silang magkaibigan ni Patrick para sa kanilang anak na si Amanda.

Gayunman, hindi raw siya umaasang magkakabalikan sila.

Aniya, “Oo, masakit yung nangyari na iniwan niya ako, pero I think we need to move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Two years na, di ba? Kung babalikan niya ako, dapat may move na.

"Pero hindi naman ako umaasa na babalikan niya ako. Tanggap ko naman."

Taong 2015 nang aminin ni Ara na may problema sa relasyon nila ni Patrick.

Halos kasisilang pa lamang niya noon sa kanilang anak.

Read: Ara Mina confirms relationship problems with Mayor Patrick Meneses


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN