TV5 President Chot Reyes speaks up about Erwin Tulfo's resignation

IMAGE Glen Sibonga

TV5 President Chot Reyes (in photo) on Erwin Tulfo's resignation from Aksyon: "I'd like to think that it's a very amicable situation. I harbor no ill feelings. I hope he doesn't harbor any ill feelings towards me. Wala naman kaming masamang pinag-ano… na hindi pinagkakaunawaan."


Nagbigay ng maikling pahayag si TV5 President & CEO Chot Reyes kaugnay ng pagre-resign ni Erwin Tulfo bilang co-anchor ng Aksyon, ang primetime news program ng Kapatid network.

Kasama ni Erwin sa programang ito ang News5 head na si Luchi Cruz-Valdes.

Read: Erwin Tulfo resigns from News5's Aksyon; rumored to be moving to another network

Kabilang daw si Coach Chot, isa sa mga tawag sa Kapatid network executive, sa mga kinausap ni Erwin bago ito nag-resign.

Pahayag ng dating PBA coach, “We’ve remain in touch.

“Ang masasabi ko lang, it was something that was mutually agreed upon.

“And I think he’s decided to pursue other endeavors.

“Pero he’s still with us sa radyo pa, sa Punto Asintado. Wala lang siya now sa TV.

“I guess it’s all part of what’s happening within the station now, the evolution, the changes that are happening.

“And, you know, like I said, we always had the opportunity naman to talk ni Erwin.”

Hindi niya ba kinumbinsi si Erwin na mag-stay sa TV5?

Tugon ni Coach Chot, “Yeah, but you know that’s really up to our head of news, si Luchi, e. So, that’s really her call.

“My job is to support her as my head of news.

“So, it’s really something na pinag-usapan nilang dalawa.

“Then I supported the decision.”

Saglit na nakausap ng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coach Chot sa dinaluhan niyang presscon at special screening ng Brillante Mendoza Presents: Pagtatapos nitong Martes, April 18, sa SM Megamall Director’s Club.

Ang "Pagtatapos" ang pangatlong handog ng Brillante Mendoza Presents na mapapanood sa Sabado, April 22, 9:30 P.M. sa TV5.

NO ILL FEELINGS. Ayon pa kay Coach Chot, maayos naman ang naging pag-uusap nila ni Erwin at wala siyang sama ng loob dito.

“I’d like to think that it’s a very amicable situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I harbor no ill feelings. I hope he doesn’t harbor any ill feelings towards me.

“Wala naman kaming masamang pinag-ano… na hindi pinagkakaunawaan.”

Bukas pa rin naman daw ang TV5 para kay Erwin in the future.

“Oh, yeah, we’ll always remain open siyempre. For now, I just wish him well,” sabi ni Coach Chot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN