Angelica Panganiban admits friendship with Angel Locsin had a bad start

IMAGE Instagram

Angelica Panganiban greets Angel Locsin on her birthday in an Instagram post, affirming that they've long buried issues between them.


Isang touching birthday message ang ipinost ni Angelica Panganiban para sa kaibigang si Angel Locsin, na nagdiwang ng kanyang 32nd birthday noong April 23.

Sa Instagram post ni Angelica, binanggit nito ang hindi magandang simula ng pagkakaibigan nila ni Angel.

Bahagi ng message ni Angelica kay Angel: "Happy Birthday ganda galak na galak ang puso ko, dahil nakilala kita sa mas malalim na aspeto. Hindi man fairytale ang simula ng friendship natin, naniniwala akong, may happy ending tayo.”

Ipinahayag pa ni Angelica na isa siya sa mga nagmamahal kay Angel.

“And we will live happy ever after. maraming salamat sa lahat. Kasama ako sa mga nagmamahal sayo.”

BURIED ISSUE. Nagkasama sina Angelica at Angel sa 2012 drama movie ng Star Cinema na One More Try, katambal sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo.

Naiulat noon ang pagkakaroon ng gap ng dalawang aktres nang nauwi umano sa totohanan ang sakitan nila sa kanilang confrontation scene sa pelikula. 

Pero tila naayos naman ito nang mag-post ang dalawang aktres ng bonding moment nila sa social media. 

Ikinatuwa ng kanilang fans ang pagpu-post nina Angelica at Angel sa Instagram noong July 2016 ng larawan nilang dalawa habang nagtatawanan sa may elevator area at sa may hagdan.

Read: Single ladies Angel Locsin and Angelica Panganiban post their bonding moment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN