PEP EXCLUSIVE. Julian Trono clears issue with Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "No beef at all."

IMAGE Reielle Deslate (Julian)/Mark Atienza (Kylie and Aljur)

Julian Trono on Kylie Padilla and Aljur Abrenica: "To set the record straight, no bad blood, and I'm really happy for them."


“Wala namang bad blood with anyone.”

Ito ang pahayag ni Julian Trono tungkol sa naging pahiwatig ni Aljur Abrenica na diumano ay may issue sila ng girlfriend nitong si Kylie Padilla.

Nang mag-break noon sina Aljur at Kylie, na-link romantically ang Kapuso actress kay Julian, co-star niya sa dating afternoon drama series na Buena Familia.

Pero sa mga dating interview kina Kylie at Julian, walang inamin ang dalawa tungkol sa napabalitang ugnayan nila.

Sa exclusive interview ng PEP kay Aljur noong November 2016, nabanggit nito ang kanyang pagkadismaya kay Julian.

Hindi niya tinukoy ang dahilan, pero sabi ni Aljur, “Ayoko mangialam, pero sa totoo lang… hindi siya nakakatuwa.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica wants to confront Julian Trono over Kylie Padilla's revelation to him

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na linawin kay Julian ang tungkol dito matapos ang shoot ng PEPtalk episode nila ni Ella Cruz sa Summit Media office ngayong Miyerkules, April 26.

Sabi ng teen actor-dancer, “Actually, narinig ko lang. I haven't read anything.

“I think we're all good naman, friends din naman kami."

Nagkasama nga raw sila ni Aljur sa defunct GMA-7 musical-variety show na Party Pilipinas.

Diin pa ni Julian, “Wala namang bad blood with anyone.

“I think, generalized lang and maybe people took it the wrong way, na sa akin lang, pertaining to me lang.

“Sabi ko naman, okay lang. Hindi ko rin napanood yung video, unfortunately.”

Bilang patunay, sabi ni Julian, binati pa niya si Kylie noong kaarawan nito noong Enero at sa pagdadalantao nito.

"Sobrang nung grineet ko siya, nagkausap pa nga kami na, 'Uy, ingatan [ang baby].'"

Outgoing daw ang personality ni Kylie, kaya sabi raw ni Julian dito, "Mag-chill ka na lang ngayon.

“Ang dami rin niyang ginagawa nung time na 'yon, so mas i-enjoy na lang niya ang process.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was brief, pero nakita ko how grateful she was.

"Nakita ko na masaya siya, nae-excite nga raw siya."

Sa palagay ni Julian, nagkaroon lamang ng di pagkakaunawaan. Ngunit muli niyang nilinaw na walang problema sa kanila ni Kylie.

“No beef at all,” aniya, "yun din kasi minsan parang nami-misunderstood ng ibang tao.

“Tapos sa amin din, minsan ang pagkakaintindi rin namin minsan, parang sketchy din na, 'Okay, ano ba yun?'”

Diin pa niya, “To set the record straight, no bad blood, and I'm really happy for them.”

HAPPPY FOR KYLIE. Samantala, masaya umano si Julian nang malaman niyang nagdadalantao si Kylie.

Ayon sa Viva artist, “As a friend, masaya talaga ako, kasi part kasi yun talaga ng mga plano niya, kahit before pa.

“Noong nalaman ko, parang birthday niya yata 'yon.

“So, kasabay ng birthday greeting ko, sabi ko, 'Happy birthday and congrats with the baby.'

“Kasi, noong una kasi, parang rumors pa lang, di ba? Noong nalaman ko, birthday niya.

"Sakto, I greeted her.

"Ang saya lang kasi ang tagal na niyang gusto 'yan.

“Noong nagkasama kami sa Buena Familia, hindi naman niya sinasabi.

"When someone is ready for that, someone is preparing for that, you know, giving a life.”

Sabi pa niya sa huli, “Nagsabay lang sa show, but I think it's a blessing. It's a huge blessing for her.”

Kasalukuyang ginagawa ni Kylie ang Encantadia nang malaman nitong ipinagbubuntis niya ang magiging anak nila ni Aljur.


Stories We Are Tracking

It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN