PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica wants to confront Julian Trono over Kylie Padilla's revelation to him

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Isiniwalat ni Aljur Abrenica na nagkaroon ng relasyon sina Kylie Padilla at Julian Trono. Pero nagkaroon daw ng problema ang dalawa dahil tila 'niloko' raw ni Julian ang ngayo'y nakabalikang girlfriend ni Aljur na si Kylie.


Isang rebelasyon ang ibinahagi ni Aljur Abrenica sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagpapatuloy ng aming exclusive interview sa kanya noong Biyernes, November 4, sa bahay niya sa Quezon City.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

Base sa kuwento ng 26-year-old actor, pagkatapos nilang mag-break noon ni Kylie Padilla, 23, ay nagkaroon ng relasyon ang dalaga sa kapwa nila Kapuso talent na si Julian Trono, 18.

Pero sa mga dating interview kina Kylie at Julian, walang inamin ang dalawa tungkol sa napabalita nilang ugnayan.

Gumanap na magkapatid sina Kylie at Julian sa dating afternoon drama series ng GMA Network na Buena Familia, na tumakbo mula July 2015 hanggang March 2016.

Read: Kylie Padilla says Julian Trono broke her belief about falling for someone younger than her

Read: Julian Trono denies rumored romance with Buena Familia co-star Kylie Padilla

May nakapagsabi sa PEP na nang magkaroon ng problema sina Kylie at Julian sa kanilang relasyon, humingi raw ang dalaga ng payo mula sa noo’y ex-boyfriend niyang si Aljur.

Nang usisain namin si Aljur tungkol dito, nag-isip muna siya ng ilang segundo tsaka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga

Saad ng aktor, “Si Kylie, never naman nawala yung naramdaman ko sa kanya.

“Kaya ako humiwalay para may makita pa kaming ibang bagay sa mundo, para mas maintindihan talaga ang pagmamahal.

“Kahit nagkakaroon si Kylie ng ibang karelasyon, malaki ang tiwala ko diyan dahil kilala ko siya bilang tao.

“Mabuting tao si Kylie, busilak yung puso niya at wala ‘yang masamang intensiyon.

“Dumating na yung panahon na sabi ko na handa na akong mag-lead, na kasama siya, tapos nalaman ko yung problema.

“Talagang hindi ko na hinayaan yung pagkakataon, na mawala pa siya, na lumipas.

“Nag-effort na rin ako na isalaysay sa kanya at ipaintindi sa kanya ang mga pinagdaanan ko at nararamdaman ko para bumalik siya, at yun din ang nagustuhan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit tumanggi si Aljur na sabihin kung ano ang tinutukoy niyang naging problema nina Kylie at Julian.

Sabi niya, “Ang masasabi ko lang diyan, e, it’s for her [to tell], si Kylie na ang bahalang magsabi diyan, kasi problema nila ‘yan.

“Ayoko mangialam, pero sa totoo lang, di po ako… hindi siya nakakatuwa.”

NOT ONCE BUT… Sa puntong ito ay sumabat kami kay Aljur sa kanyang salaysay. Tinanong namin ang Kapuso hunk kung galit ba siya.

Tugon niya, “Di kasi isang beses lang, e, maraming beses siya [nangyari].

“Hindi ko alam yung buong istorya pero kung…

“Hindi ko alam yung kabuuan, pero kung titingnan mo yung pangyayari, ang motibo nila ay hangga’t makakaloko sila, e, manloloko sila.

“Kung di pa ako pumasok sa eksena, baka tutuy-tuloy na lang.”

Paano niya nalaman ang problema nina Kylie at Julian?

Ayon kay Aljur, “Siyempre magkaibigan kami ni Kylie, mag-best friend kami.

“Lahat sinasabi niya that we don’t know, we don’t hide things.

“Kahit sa mga nakasama ko before habang wala siya, ganun din siya sa akin.

“Sa buhay... pinag-uusapan namin ni Kylie lagi buhay.

“Dun ko nalaman at sinabi ko sa kanya na, ‘Ano bang gusto mo?’

“Ayaw na niya, at di na siya natutuwa.

“E, di sabi ko, ‘Papasok ako diyan. Gusto mo bang panghimasukan ko ‘yan?’

“Sabi niya, ‘Tulungan mo ako.’

“Eto na, nung pumasok na ako, nalaman ko pa yung ibang istorya, hindi talaga siya nakakatuwa.”

WANTS TO CONFRONT JULIAN. Kasunod naming tanong kung kinumpronta na ba niya si Julian kaugnay ng mga sinabi ni Kylie sa kanya.

Sagot ni Aljur, “Hindi. Kasi laging may… gusto ko.”

Hindi pa ba sila nagkasalubong sa GMA ni Julian simula nung nalaman niya ang problema?

Aniya, “Hindi pa, e.

“Gusto ko siyang kumprontahin, gusto ko siyang kausapin, gusto kong pumasok talaga sa sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala ako sa lugar.”

Kapag nakita niya si Julian, ano kaya ang maaaring mangyari?

Tugon ni Aljur, “Hangga’t maaari, iniiwasan ko talaga. Hindi talaga siya nakakatuwa, e.”

Sa puntong ito, tila nagpipigil si Aljur sa kanyang naramdamang galit laban kay Julian.

JULIAN REACTS. Sa kabilang banda, hiningan namin ng reaksiyon si Julian, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, nitong Sabado, November 5.

Bandang hapon, sumagot naman siya sa aming tanong tungkol sa sinabi ni Aljur na naging problema nila ni Kylie.

Dahil hindi rin ganun kalinaw kung ano ang naging problema, sinabi lang namin kay Julian ang mga pahayag ni Aljur.

Pero sabi ni Julian, “a little informal” kung sa Instagram kami mag-usap.

Dagdag pa niya, “Everyone is happy. Let’s all keep it that way.”

Sinabi namin kung puwede ba namin siyang tawagan, pero hindi na siya sumagot.

Ngayong gabi, November 6, muli naming hiningan ng karagdagang pahayag si Julian.

Sinabi rin namin na baka pagkalabas na lang ng artikulo siya magbigay ng pahayag para malinawan niya ang kuwento ni Aljur.

Hindi pa siya sumasagot sa amin. Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa anumang ihayag ni Julian o maging ni Kylie kaugnay ng mga sinabi ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN