Carlo J. Caparas still struggling to cope with wife Donna Villa's death

IMAGE Noel Orsal

Carlo J. Caparas on the passing of wife Donna Villa: "Sa dami ng battles na pinagdaanan namin ni Donna, ito yung pinakamalaking giyera na hindi namin naipanalo. Dito kami natalo."


Inamin ng comics writer/director/producer na si Carlo J. Caparas na hirap pa rin siya sa pag-move on mula sa pagpanaw ng kanyang maybahay na si Donna Villa.

Pumanaw si Donna dahil sa cancer of the uterus noong January 17, 2017. Siya ay 57 years old.

Read: Actress/massacre-films producer Donna Villa dies of cancer

Itinuturing ni Carlo ang pagpanaw ni Donna na pinakamatinding dagok sa kanyang buhay na hindi niya kinayang labanan.

“Hindi nga makaya, e. Akala ko matibay akong tao.

“Alam niyo namang ang portrayal ko, talagang matibay sa buhay. Pirmeng lumalaban sa buhay.

“Although, I’m a strong survivor, hindi naman ako basta natatalo.

“Kaya lang, iba itong dinaanan ko.

“Sa dami ng battles na pinagdaanan namin ni Donna, ito yung pinakamalaking giyera na hindi namin naipanalo.

“Dito kami natalo,” malungkot niyang pahayag.

ALONE TIME. Nasa Negros si Carlo nang makausap siya ng Showbiz Talk Ganern ng DZRH noong Linggo, April 30, dahil pinuntahan niya ang ilang lugar na pinapasyalan nila noon ni Donna.

Madalas daw ay nasa Cebu siya kung saan nakalagak ang mga abo ng kanyang nasirang asawa.

Ayon kay Carlo, “Nasa pamamahinga pa ako, e. Kaya hindi pa ako makaano…

“Nawiwili pa akong maggala sa mga lugar na pinuntahan namin nung nawala kong angel.

“Kaya naglilibot ako hanggang ngayon sa mga lugar na gusto naming dalawa.

“Matagal ko na siyang hindi nakakasama, e.”

Nandiyan naman daw ang mga anak nila, pero mas pinili ni Carlo na mag-isa dahil naniniwala siyang hindi siya iniiwan ni Donna.

“Most of the time kasi, gusto ko mag-drive mag-isa, e.

“Dahil pag nag-iisa ako, alam kong hindi niya ako pinababayaan.”

Alam naman daw ni Carlo na nandiyan ang mga taong nagmamahal sa kanya, pero hindi ito kayang palitan ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang asawang kagaya ni Donna Villa.

“Mahirap kasi palitan, e, dahil non-transferable ang emotion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana, yun nga ang hinihiling ko sana.

“Mahirap kapag may nakakausap akong taga-showbiz, naaalala ko siya.”

Sa puntong ito ay gumagaralgal na ang boses ni Carlo, at humingi siya ng paumahin na kailangan na niyang tapusin ang aming panayam dahil lalo raw siyang nangungulila sa kanyang asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN