Alfie Lorenzo on parting ways with Judy Ann Santos: "You need me, I don't need you."

IMAGE Noel Orsal

Alfie Lorenzo: "Yung sinasabi nila na show business is ungrateful business, hindi totoo 'yon! Yung mga tao na nasa showbiz, sila ang ungrateful. Akala nila, sikat na sila, kapag nag-iba sila ng manager, madodoble ang kasikatan nila."


“You need me, I don’t need you.”

Ito ang reaksiyon ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Alfie Lorenzo sa pagkalas sa kanyang poder ng aktres na si Judy Ann Santos.

Ngunit nilinaw ni Alfie na hindi niya sisiraan ang aktres.

Saad niya sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Creation ko ‘yan. Kung gusto ko ‘yan na patayin, right now, mamamatay na ‘yan.

“Kasi, alam mo naman ang mga Pilipino, galit sila sa mga walang utang na loob.

“Pinalaki mo sila ng 32 years, tapos basta ka na lang iiwan.

“Sila ang nakiusap na huwag silang bibitawan, tapos ako pala ang ilalaglag.”

Patuloy ni Alfie, “Masisira siya. Pati sa mga advertisement niya, masisira siya.

“Nilikha ko siya, bakit ko sisiraan? Huwag na lang, hayaan niyo na.”

Child star pa lang si Judy Ann ay nasa pangangalaga na siya ni Alfie.

Sa naunang panayam ng PEP.ph kay Judy Ann ay sinabi nitong pumunta siya sa condominium unit ni Alfie noong August 2016 para magpaalam.

Sabi pa ng 38-year-old Kapamilya actress-TV host, “Walang sigawan na nangyari, wala.

“Of course, may iyak sa part ko, kasi may lungkot. Pero wala yung batuhan, walang ganung drama.”

Read: Judy Ann Santos parts ways with talent manager Alfie Lorenzo

Itinanggi ni Alfie na umiyak si Judy Ann nang magpaalam ito sa kanya.

“Hindi siya umiyak. Drama na lang ‘yon.

“Sabi lang niya ‘yon para may drama.”

Nagtataka raw si Alfie nang lumabas ang balita noong nakaraang linggo, dahil parang kahapon lamang nangyari ang pag-alis ni Judy Ann sa poder niya samantalang walong buwan na ang nakalilipas .

Ano ang naging reaksiyon niya sa pagpapaalam sa kanya ni Judy Ann?

Tugon ng beteranong manunulat, na kilala sa pagiging prangka at pagbibitiw ng maanghang na salita, “Ang reaksiyon ko, naaawa ako.

“Sikat na siya, e. Sikat na siya, bakit naghangad pa siya na malaos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako ang may lutong Kapampangan, yung mga makikialam na iba sa aking sangkap, maiiba ang luto, maiiba ang lasa.”

Dagdag pa ni Alfie, “Sa tagal ko na sa showbiz, more than sixty years na ako, nakita ko na lahat ng pag-uumpisa nila, na-compare ko na lahat.

“Naaawa lang ako kay Judy Ann dahil siguro akala niya, siya ang nagdesisyon, magtutuluy-tuloy pa rin ang kasikatan niya."

COMMISSION. Ipinaalala rin ng PEP.ph sa veteran talent manager na marami rin silang magagandang pinagsamahan ni Judy Ann.

Sagot niya, “Marami nung nakikinig pa siya sa akin. Ako ang nagde-decide.

“Kasi sabi ko, ako ang may-ari ng restaurant, ikaw ang ulam.

“Ngayon, kapag iniba ang luto, may ibang nakialam, doon na nagkakagulo.

“Di ba, karamihan ng mga artista, kapag sumikat na sila, nakikialam na yung nanay, nasisira ang diskarte?

“Dapat kung sinong nag-handle ng kasikatan niya, ‘yon ang magtutuluy-tuloy.

“Ewan ko ba sa mga artista, bakit ganun.

“Yung sinasabi nila na show business is ungrateful business, hindi totoo ‘yon!

“Yung mga tao na nasa showbiz, sila ang ungrateful.

“Akala nila, sikat na sila, kapag nag-iba sila ng manager, madodoble ang kasikatan nila.”

Sa simula ay itinanggi ni Alfie na may kinalaman sa pera ang paghihiwalay nila ng landas ni Judy Ann.

Pero kalaunan ay inamin niyang "komisyon" ang dahilan ng pagkalas sa kanya ng aktres.

“Nanghinayang siya sa komisyon.

“Sa dami nga ng mga pumapasok sa kanya ngayon na commercials, sayang naman kung magbibigay pa siya ng komisyon sa akin, di ba?

“Kung siya na lang ang kakausap sa mga advertiser, kanya na rin ang komisyon.

“Okey lang, nakita ko na ‘yan, e.

“Ganoon lahat ng nasaksihan ko, na-analyze ko, na-interpret ko na ginawa ng mga artista, talagang darating at darating ‘yon."

Ayon pa kay Alfie, “Lahat ng mga alaga kong babae, kapag nag-asawa na, sige, i-drop ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya, nakiusap sila ni Ryan Agoncillo, two days bago sila magpakasal.

“Na huwag ko siyang bitawan kahit kasal na. Yun na lang daw ang wedding gift ko sa kanila.

"E, di sige."

"Kasi nga, binitiwan ko lahat ‘yan—si Ruffa Gutierrez, si Gretchen Barretto, si Sunshine Cruz.

“Lahat ng mga babae, binitawan ko.

“Ako ang bumibitaw sa kanila. Hindi ako ang naglalaglag.”

Saad pa niya, "Si Judy Ann, nagulat ako, 32 years, nilaglag ako.

“Nakiusap pa nga sila, tapos sabi niya, hindi raw siya ang nagsabi nun, si Ryan daw ang nakiusap.

“Sa 32 years, kilalang-kilala ko na si Judy Ann, kaya nga hindi ko alam kung saan nanggaling ito.

“Baka yung mga nakadikit sa kanya na dumikit sa kanya ngayong sikat na siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN