Lotlot de Leon reunites with her American family in the U.S.

IMAGE Courtesy of Lotlot de Leon

Lotlot de Leon had a memorable reunion with her American biological father Donald Olson and sisters Donna, Myria, and Dawn during her recent trip in the United States.


Isang hindi makakalimutang pangyayari ang naranasan ng aktres na si Lotlot de Leon sa recent trip niya sa Amerika.

Isa kasing reunion ang naganap sa Amerika sa pagitan ng aktres at ng mga kapatid niya sa American biological father na si Donald Olson.

Sa unang pagkakataon makalipas ang 45 taon, nagkita nang personal si Lotlot at ang mga kapatid niyang sina Dawn Olson Evans, Myria Olson Dufresne, at Donna Olson Bennett.

Ang panganay nilang kapatid na si Donna ay na-meet na ni Lotlot nang pumunta ito sa Pilipinas noong January 2013.

September of the same year, ang Papa Donald ni Lotlot ang bumisita sa Pilipinas. Mahigit isang buwan itong namalagi sa bansa.

Read: Lotlot de Leon’s adoptive father Christopher de Leon and biological dad Donald Olson meet for the first time

Naganap ang pagtatagpo ng apat na magkakapatid na babae sa Jacksonville, Florida, nitong April 30.

Sa Jacksonville nakatira o naka-base ang tunay na ama ni Lotlot at ang asawa nitong Pinay na si Vicki.

Ang alam ni Lotlot at ng kanyang ama ay si Donna lamang ang pupunta sa Florida.

Kaya ganun na lamang ang kaligayahan ng mag-ama nang nakitang naroroon din sina Dawn at Myria, na tulad ni Donna ay sa Wisconsin nakatira kasama ang kani-kanilang pamilya.

Bago pa ito, nagkagulatan sina Lotlot at Myria dahil isang upuan lamang ang pagitan nila sa eroplano sa flight mula Atlanta, Georgia, patungong Jacksonville.

Sinamantala ng apat na magkakapatid at ng kanilang ama at stepmother ang bonding sa loob ng tatlong gabi at dalawang araw.



Doble ang kaligayahang nadama ni Lotlot dahil bukod sa kanilang family reunion, na inabot na ng maraming taon bago natupad, nakapag-uwi pa siya ng Best Supporting Actress trophy mula sa 50th Houston Worldfest International Film Festival sa Houston, Texas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagwagi si Lotlot para sa pagganap niya pelikulang 1st Sem.

Doon galing si Lotlot bago dumiretso ng Jacksonville, Florida.

Read: Lotlot de Leon named Best Supporting Actress in 50th Houston Worldfest in Texas

OVERWHELMING. Hindi maipaliwanag ang kaligayahan ni Lotlot sa pagkikita nilang pamilya, base na rin sa Instagram at Facebook post niya:

“There are not enough words to express how happy I feel.. To my sisters, Ate Donna, (who brought all of us together thank you ate!) Dawn and Myria..thank you for taking your time to see me. Thank you for being wonderful and so loving. I have loved all of you even before I met you..To Papa and Tita Vicky, thank you for all the warmest hugs and love. I'll see you again soon, ok? It was the best 2 days!”

Si Lolot ay adopted daughter ng Superstar na si Nora Aunor at ng Drama King na si Christopher de Leon.

BACK TO WORK. Naisin man ni Lotlot at ng kanyang American family na i-extend ang pamamalagi ng aktres sa US, hindi maaari dahil naghihintay na ang mga trabaho nito sa Pilipinas.

Pag-uwi niya ay sumalang na agad siya sa taping ng Destined To Be Yours sa Pampanga, nitong Biyernes, May 5.

Kaninang umaga, May 6, ay nag-taping si Lotlot ng isang episode ng Magpakailanman, kung saan gaganap siyang isang abortionist.

Kasama niya rito ang anak na si Janine Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN