Pauleen Luna surprised by husband Vic Sotto's announcement

IMAGE Noel Orsal

Pauleen Luna on her pregnancy: "Hindi naman ganun kahirap ang pagbubuntis ko, pero hindi naman madali. Pero okay na ako. Ang nakakaloka lang, may mga pimples ako!"


Ikinagulat ni Pauleen Luna ang biglang pag-anunsiyo ng mister niyang si Vic Sotto na magiging tatay na ulit siya.

Sa birthday celebration ni Vic sa Eat Bulaga! ngayong araw, May 6, patawa niyang in-announce, “Gusto ko pong sabihin sa Pilipinas at sa buong mundo, na buntis po ako.

"Hindi po ako, ang aking asawa ang buntis."

Dagdag pa niya, “Ang amin pong hiling ang inyong dasal para sa tagumpay ng aming anak.”

Noong April 28 ang aktuwal na ika-63 kaarawan ni Vic.

Read: Vic Sotto announces wife Pauleen Luna is pregnant!

Pagkatapos i-announce ni Vic ang pagbubuntis ni Pauleen, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-TV host.

“Nagulat ako dun! Hindi ako prepared!” bulalas niya.

Wala raw silang usapan na i-announce ang pagbubuntis niya ngayong araw dahil mas gusto sana nilang tahimik lang muna.

Ayon kay Pauleen, 10 weeks na ang kanyang ipinagbubuntis sa Martes, May 9.

Ilang linggo siyang pinagpahinga ng kanyang doktor, pero okey na raw siya ngayon.

“Hindi naman ganun kahirap ang pagbubuntis ko, pero hindi naman madali.

"Pero okay na ako. Ang nakakaloka lang, may mga pimples ako!

“Mabuti pa si Pia, parang wala lang sa kanya. Hindi siya nahihirapan!” natatawang sabi ni Pauleen.

Ang co-host nila sa Eat Bulaga! na si Pia Guanio ay buntis ngayon sa ikalawang anak niya sa mister na si Steve Mago.

Interestingly, si Pia ay naging kasintahan din noon ni Vic.

May pinaglilihian na ba si Pauleen ngayon?

Sagot ng 28-year-old actress-TV host, “Wala naman. Ayoko lang yung mga matatapang na amoy.

“For a time, gusto ko lang itlog, kasi walang amoy.

“Pero wala akong morning sickness. May nausea lang pero hindi siya tumutuloy.”

Wala pa raw sa isip ni Pauleen kung baby girl o boy ang gusto niya, basta healthy lang.

“Si Vic, mas gusto sana niya boy,” pakli niya.

Ang ipinagbubuntis ni Pauleen ang ika-limang anak ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawa siyang anak sa unang niyang asawa na si Dina Bonnevie—sina Danica at Oyo.

May anak din siya kay Coney Reyes, si Vico, at kay Angela Luz, si Paulina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN