Gabbi Garcia denies Khalil Ramos is her boyfriend: "Confirmed? Nakakaloka!"

IMAGE Noel Orsal

Gabbi Garcia on rumored relationship with Kapamilya actor Khalil Ramos: "Confirmed? Nakakaloka! Ano ba yun? Saan nanggaling yun? At saka nakakatawa. Kasi, pumutok yung balitang yun, nakita lang kaming magkasama. Tapos, biglang ganun na agad."


Mariing itinanggi ng Kapuso young actress na si Gabbi Garcia ang kumakalat na balitang boyfriend niya ang Kapamilya young actor na si Khalil Ramos.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabbi habang break sa technical rehearsals ng Sunday PinaSaya noong Sabado ng hapon, May 6, sa may dining area ng Studio 7, sa GMA Annex Building.

Bago pa namin nasabi kay Gabbi ang tanong namin ay humirit na siyang alam na niya kung ano ang itatanong namin.

Mabilis na paliwanag ng 18-anyos na dalaga, “Close kami since 2015.

“Ako, si Julia [Barretto] at saka iba pa naming friends. Super-close kasi sila ni Julia.

“Nagkakilala kami sa debut ni Julia nung 2015.

“Pinakilala kami ni Kathryn Bernardo. Kasi, nasa table ako nina Kathryn.

“So, lahat nag-uusap-usap, ganyan.”

Kahit taga-GMA si Gabbi at taga-ABS-CBN si Julia ay magkaibigan ang dalawa, na magkaklase nung high school sa St. Paul Pasig.

So, hindi totoo yung balita na sila ni Khalil?

“Nakakaloka talaga! Hindi. Pero lumalabas kami,” kaswal na pag-amin ni Gabbi.

Hi

A post shared by Khalil Ramos (@thekhalilramos) on

SLIGHTLY SURPRISED. Actually, medyo nakakagulat ang kumalat na balita, na ang sabi pa ay confirmed daw talaga na nobyo ni Gabbi ang tagakabilang istasyon na si Khalil.

Slightly surprised reaction ng Kapuso girl, “Confirmed? Nakakaloka!

“Ano ba yun? Saan nanggaling yun? At saka nakakatawa.

“Kasi, pumutok yung balitang yun, nakita lang kaming magkasama.

“Tapos, biglang ganun na agad.”

Ang sabi niya ay magkasama sila ni Khalil. Bakit sila magkasama?

“E, kasi, magkakaibigan po talaga kami.

“May isa pa kaming kasama nun.

“E, since kaming dalawa lang yung artista, kami ang piniktyuran,” pakli ng morenang dalaga, na gumaganap bilang Sang’gre Alena sa Encantadia.

Pumuporma, as in nanliligaw ba sa kanya si Khalil?

“Hindi. Hindi naman,” tugon ni Gabbi.

Ipagpapalit niya ba ang ka-love team niyang si Ruru Madrid kay Khalil?

“Tanungin niyo siya kung ipagpapalit niya ako. Joke!!” tumatawang sagot ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RURU’S SIDE. Habang kausap ng PEP si Gabbi ay nandun din si Ruru, kaya tinawag namin ito para usisain.

Alam ba ni Ruru ang isyu tungkol kina Gabbi at Khalil?

Si Gabbi ang unang sumagot ng: “Oo naman, alam niya yun.”

Aware nga ba si Ruru na nali-link si Gabbi sa isang tagakabilang istasyon?

Sabi ng 19-anyos na binata, “Kaibigan niya naman po yun, matagal na.

“Nakilala niya yun sa debut ni Julia. Mabait naman po yung tao.”

Si Ruru ba, kayang ipagpalit si Gabbi sa iba?

“Hindi po,” mabilis pero kalmadong sagot ng Kapuso young actor, na gumaganap bilang Rama Ybrahim sa telefantasyang Encantadia.

Bakit parang nag-iba ang reaksiyon ng mukha ni Gabbi?

“Hindi, ah? Natatawa lang ako. Kasi, para bang nagkabiglaan,” katuwiran naman ng young actress.

Ano ang feeling ni Ruru na nali-link si Gabbi sa ibang guy?

Bago pa makasagot si Ruru ay humirit agad si Gabbi ng, “At least ako, hindi ako smitten by anyone’s beauty.”

Ang tinutukoy niya ay ang pagka-‘smitten’ ni Ruru sa bagong itinatambal dito sa Encantadia na si Arra San Agustin.

Read: Ruru Madrid smitten by new leading lady Arra San Agustin's beauty

Natatawang sabi naman ni Ruru, “Sa akin po, hindi naman ako ano dun.

“Kumbaga, may trust naman ako kay Gab! Kampante naman po ako.”

Kay Khalil, may trust ba siya?

Tugon ng young actor, “Hindi ko pa po siya nami-meet personally, e.”

Sundot ni Gabbi, “Iba kasi kami ng group of friends [ni Ruru] outside. Pero may group of friends din kami.”

At least, nalinaw na ni Gabbi na hindi totoo yung tungkol sa kanila ni Khalil.

“Ano ba, guys? Issue!” natatawang pakli ng dalaga.

Segunda ni Ruru, “Hindi po totoo yun. Siyempre, mas mauuna po niya sa aking sabihin.”

Biro namin, yun na nga ang nakakabigla, mukhang mauunahan pa siya ng iba kay Gabbi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryosong sambit ni Ruru, “Hindi po. Hindi naman.

“At saka si Gabbi po, alam ko naman na mas marami pa siyang priorities sa buhay kesa sa love life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN