Angelica Panganiban, Angel Locsin admit past feud made their friendship stronger

IMAGE Star Cinema Instagram

Angelica Panganiban on friendship with Angel Locsin: "Kaya rin siguro nag-mature siya sa mas magandang epekto, dahil hindi na namin pinalaki yung mga bagay na hindi rin naman nakatulong sa aming dalawa, di ba? I believe na parehas kaming natuto sa mga hindi magandang nangyari sa amin."


Para kina Angelica Panganiban at Angel Locsin, bahagi ng kanilang matibay na pagkakaibigan ang hindi nila pagkakaunawaan noon.

Ayon nga kay Angel, “May mga pinagdaanan kami sa past, pero I think kinailangan yun.”

Pagsang-ayon ni Angelica, “Dun siguro nakita yung magic ng lahat.

“Parang may mga bagay nga na hindi naman talaga sa umpisa perfect na perfect kayo sa isa’t isa bilang magkaibigan.”

Noong 2012 ay ginawa nina Angelica at Angel ang pelikulang One More Try, kung saan napabalitang nagkaroon sila ng alitan dahil naging totohanan ang sakitan nila sa confrontation scene.

Saad ni Angelica, “I guess napakaimportante ding part ng pinagdaanan namin sa friendship namin dun sa mangyayari sa amin sa pelikula.

“Parang, in a way, may touch siya ng ganun, so I’m very excited na mas makilala ko pa uli si Angel.

“Siyempre ilang years ago na yun, five years ago, parang ang daming nagbabago.

“Alam ninyo, buwan-buwan ang daming nagbabago sa buhay ng isang tao.

“So, nakaka-excite na makita yung mga developments kung ano ang nagawa ng time sa aming dalawa.”

WHAT THEY LIKE ABOUT EACH OTHER. Ano ang mga katangian ng bawat isa na gustung-gusto nila sa isa’t isa?

Sagot ni Angel, “Alam mo kasi si Gel, everything kay Gel, real, totoo.

“At isa yun sa mga na-appreciate ko, lalo na sa mundong ito.

“Yun din siguro ang dahilan kung bakit gustung-gusto ko siyang panoorin dahil lumalabas talaga ang pagiging totoo niya.

“Bilang katrabaho, gusto ko rin yun kasi makikita mo yung emotions, yung lahat.

“Yun ang isa sa na-appreciate ko kay Gel.”

Patuloy niya, “Saka maalaga siyang tao, iba siya, totoo… mabuting kaibigan.

“Ever since naman, kahit ano ang nangyari, hindi naman nawala yung respeto ko sa kanya.

“Yun siya, e, karespe-respeto naman talaga, nirerespeto ko siya kung ano siya.”

Ayon naman kay Angelica, “Alam ninyo dati, para nao-OA-yan ako sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang, ‘Bait naman nito, parang di totoo, ‘no?’

“OA, ang daming ginagawa, asikaso nang asikaso, sobrang bait.

“Pero yun pala talaga siya. Nakilala ko na ganun pala talaga siya, nakakatuwa.

“Ngayon, kung mas may maalaga, siya yun.

“Sobrang malambing, hindi nakakalimot.”

Nang tanungin kung ano ang rason ng tampuhan nila noon, iniwasan nang magdetalye pa ng dalawa tungkol dito.

Sabi ni Angelica, “Siguro yung mga ganun, kaya rin siguro nag-mature siya sa mas magandang epekto, dahil hindi na namin pinalaki yung mga bagay na hindi rin naman nakatulong sa aming dalawa, di ba?

“I believe na parehas kaming natuto sa mga hindi magandang nangyari sa amin.

“I think, kung hindi kami natuto, hindi kami aabot sa ganito, na magiging mature enough kami para gumawa uli ng isang proyekto na magkasama.”

MOVIE WITH RICHARD. Muling magsasama sina Angelica at Angelica sa isang upcoming movie ng Star Cinema, kung saan kasama rin si Richard Gutierrez.

Ilang beses nang nakatrabaho ni Angel si Richard noong pareho pa silang nasa bakuran ng GMA Network.

Ito naman ang unang beses na makakatrabaho ni Angelica ang dating Kapuso star.

Ayon kay Angelica, “Well, bagung-bago yung nangyaring team-up ngayon, especially kasama namin si Richard.

“Ito, hindi naman namin first time ni Angel na magkaroon ng trabaho, kami [ni Richard], first time namin magtrabaho.

“Iba talaga, ibang flavors siguro, ibang klaseng team-up yung makikita.

“Depende kung ano ang kalalabasan nito, so ayun.”

Sabi naman ni Angel, “Ako naman, bago ko pa narinig yung story, sinabi sa akin na, ‘Are you okay working with Chard and Angelica?’

“‘Game, kailan, anong oras ang call time ko?’ Yun agad ang nasagot ko.

“I’m very excited din na makatrabaho uli si Gel after One More Try.

“Si Chard naman, after ten years, sobrang na-miss ko siyang katrabaho.

“Exciting kung paano kami uli sa eksena. Pareho pa rin kaya yung mga nuances namin pag kailangan naming humingi ng tulong sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa, I’m very excited for Chard.

"Exciting, tingnan namin yung dynamics naming lahat."

Read: Angel Locsin reunites with Richard Gutierrez for Star Cinema movie


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN