Dennis Trillo surprised by rumored engagement to Jennylyn Mercado

IMAGE Noel Orsal


Hindi raw alam ni Dennis Trillo kung saan nanggaling ang balitang engaged na sila ng kasintahang si Jennylyn Mercado.

Sabi ng Kapuso actor tungkol dito, “Mangyayari yun kung oras na, di ba?”

Kailan kaya ito mangyayari?

“Hindi ko masabi, ayokong bigyan ng oras,” sagot ni Dennis.

Ibabahagi ba nila agad sa publiko kung sakaling engaged na sila?

Tugon ng 36-year-old actor, “Hindi ko alam, e. 

“Hindi rin ako yung ganung klaseng tao na broadcast ang lahat ng nangyari sa buhay. 

“Ewan ko, tingnan na lang natin.”

Seoul Mates?????????????????

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

SECOND CHANCE AT LOVE. Unang nagkarelasyon sina Dennis at Jennylyn noong 2010, habang ginagawa nila ang afternoon drama series na Gumapang Ka Sa Lusak.

Ngunit pagkalipas ng isang taon ay nagkahiwalay sila noong 2011.

Sa June 2011 issue ng YES! Magazine ay isinalaysay ni Jennylyn ang kanilang breakup, na umabot pa raw sa pisikalang pananakit.

Read: Jennylyn Mercado opens up about her difficult childhood, her sad romances, and her sudden breakup with Dennis Trillo in a tell-all interview with YES!

Pero noong 2016 ay nagsimulang kumalat ang balitang nagkabalikan sila, ngunit walang direktang pag-amin mula mismo kina Dennis at Jennylyn.

Read: Dennis Trillo confirms exclusively-dating status with Jennylyn Mercado

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis sa grand launch ng Mulawin vs Ravena kagabi, May 15, tinanong siya kung paano nila nagagawa ni Jennylyn na mas maging maayos ang relasyon nila ngayon?

Tugon ng award-winning actor, “Tsine-cherish lang namin lahat ng oras na magkasama kami, and siyempre yung buhay namin, magagandang nangyayari sa buhay namin, sa career. 

“Lalo na ngayon, pareho kaming may magagandang shows, major shows ng GMA. Ini-enjoy lang namin.

“Siyempre, kapag gusto mong makasama ang tao, kahit busy ka, magagawan mo ng paraan.”

Isang linggo lang ang pagitan ng pagsisimula ng mga bagong primetime series nina Dennis at Jennylyn sa Kapuso network.

Si Dennis ay kasama sa malaking cast ng Mulawin vs Ravena, na magsisimula na sa Lunes, May 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jennylyn naman ang bidang babae sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Love From The Star, na magsisimula sa May 29.

Paano nila sinusuportahan ang isa’t isa kapag pareho silang busy sa kani-kanilang programa?

Ayon kay Dennis, “Siyempre, kailangan palagi kang nandiyan.

“Kapag pagod, nandiyan ka para pasayahin siya. Ganun lang naman.”

Beautiful???? #auroraborealis #northernlights

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

BIRTHDAY MONTH. Parehong nagdiwang ng kanilang kaarawan sina Dennis at Jennylyn ngayong Mayo.

Si Dennis ay nagdiwang ng kanyang ika-36 kaarawan noong May 12, at binigyan siya ng surprise party ni Jennylyn.

Si Jennylyn naman ay nagdiwang ng kanyang ika-30 kaarawan noong May 15, at nagkaroon ang aktres ng swimming party kung saan naroon din si Dennis.

Ngunit paglilinaw ng aktor, hindi niya surprise party iyon kay Jennylyn.

“Matagal na niyang plano yun, kasi 30th birthday. Gusto niya maghanda ng konti.

“Hindi ko na siya sinurprise kasi baka hindi na siya ma-surprise kung puro surprise.”

Nakiusap naman si Dennis kung puwedeng sa kanila na lang ni Jennylyn kung anuman ang ibinigay niyang regalo sa kaarawan nito.

“Huwag na, sa amin na lang yun, hindi ko na sasabihin.

“Ayokong magbigay ng mga detalye pagdating sa mga ganung bagay,” sabi niya.

#finland2017 ??????????????

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

FAMILY AFFAIR. Samantala, masaya si Dennis na maayos ang relasyon ng mga pamilya nila ni Jennylyn.

Aniya, “Nakakatuwa na nagkakasundo sila. 

“Nakakataba ng puso na makitang okey ang relasyon nila.

“Ever since, wala namang naging problema. Masaya na okey lahat.”

Nabanggit ni Jennylyn sa isang panayam na nakasundo rin agad ni Dennis ang biological dad ng aktres na si Noli Pineda, na sinundo pa nila sa South Korea para sa Pilipinas na manirahan.

???????? #venturahighway #impromptu

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Kuwento ni Dennis, “Nakakatuwa kasi mahilig sa music ang daddy niya, jamming, usap tungkol sa music at saka buhay-buhay. 

“Sobrang bait, e, kaya madaling pakisamahan.”

Ano ang masasabi niya sa relasyon ngayon ni Jen at ng ama nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya siya… well, ayoko sanang magsalita sana tungkol dun. Pero yun, yun lang ang masasabi ko,” pahayag ni Dennis.

Ang Popogi naman nila!????

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN