New Kapuso David Licauco denies leaving ABS-CBN just to avoid being linked to Vice Ganda

IMAGE Noel Orsal

David Licauco on friendship with Vice Ganda: "May communication pa rin naman kami. Minsan nagpapadala siya sa akin ng message sa Instagram. Nangungumusta lang naman siya. Minsan, he's inviting me sa ganitong event."


FOR THE ENGLISH VERSION, CLICK HERE.

Itinanggi ni David Licauco na kaya siya lumipat sa GMA Network ay dahil iniiwasan niya ang ma-link kay Vice Ganda.

Ayon kay David, naging magkaibigan sila ni Vice pagkatapos niyang manalo bilang first runner-up sa Mr. Chinatown 2014.

Nagsunud-sunod ang mga guesting niya sa ilang shows ng ABS-CBN.

Nakasama rin siya sa pelikula ni Vice na The Amazing Praybeyt Benjamin noong 2014.

Doon na rin nagsimula ang pagkaka-link niya sa comedian-TV host, na ikinagulat daw niya.

Read: Mr. Chinatown 1st runner-up David Licauco dismisses rumors linking him to Vice Ganda

Ngayon ay nasa bakuran na ng Kapuso network si David, at kasama sa cast ng upcoming primetime series na Mulawin vs Ravena.

Dahil dito, may ilang nagsasabing baka iniiwasan niyang ma-link kay Vice kaya lumipat siya ng TV network.

Ngunit paglilinaw ni David sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It’s not true na iniiwasan ko siya.

“Siguro yung pagiging friends namin in the past, binigyan lang ng malisya ng ibang tao.

“Pero matagal na rin kaming hindi nagkakasama ni Vice.

“Kasi noong 2015, nag-lie low muna ako sa showbiz at nag-concentrate ako sa modelling.

“I was also playing basketball, at tinapos ko ang course ko na Information Systems sa College of St. Benilde."

Ayon pa sa bagong Kapuso talent, “Magkaibigan pa rin naman kami ni Vice.

“May communication pa rin naman kami. Minsan nagpapadala siya sa akin ng message sa Instagram.

“Nangungumusta lang naman siya. Minsan, he’s inviting me sa ganitong event.

“Iba na kasi ang priorities ko, e. Hindi na ako palapunta sa mga events, unless it’s work.

“Naiintindihan naman ni Vice yun.”

Sa katunayan, suportado raw ng Kapamilya star ang bago niyang proyekto sa GMA-7.

Nakusap ng PEP si David sa grand launch ng Mulawin vs Ravena, na ginanap sa Hive Hotel, sa may Scout Tuazon, Quezon City, noong Lunes, May 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAVID’S ROLE. Sa Mulawin vs Ravena ay gumaganap si David bilang si Malik, isang half-Mulawin at half-human.

Excited na sabi niya tungkol sa malaking proyektong kinabibilangan, “Nakakatuwa lang because the project is really good and I’m very proud to be part of its big cast.

“Yung first taping day ko sa Batangas, nag-enjoy ako.

“Tsaka ang galing ng mga costumes, yung props, and special effects. Parang you’re working on a Hollywood set.

“I also went into an intensive training kasi may mga action scenes kami.

“Walang problema sa akin kasi I’m active with sports, like basketball, boxing, Muay Thai, and arnis.

“Kaya sanay na ako sa mahirap na training.

“I like to thank GMA-7 kasi nakasama ako sa malaking project na ito.”

Dagdag ni David, “Nakapag-guest na ako sa ilang shows sa GMA-7, pero this is my first regular show at telefantasya pa.

“I remember watching yung movie version ng Mulawin [2015].

“Hindi ko nasubaybayan yung sa TV, e. Pero kahit paano, alam ko ang kuwento ng Mulawin at hindi ako makapaniwala na kasama ako sa pagbabalik nito sa TV.”

Isa pang ikinatutuwa ni David ay kasama sa cast ng Mulawin vs Ravena ang matagal na niyang crush na si Heart Evangelista.

Kinikilig na kuwento ng model-actor, “Noong ma-meet ko siya for the first time, hindi ako makatingin sa kanya.

“Para akong bata sa school na hindi makatingin sa crush niya.

“It’s just nice to know that you are working on the same set with your long-time crush.

CHINESE FAMILY. Galing sa isang traditional Chinese family si David.

Balang-araw ay sa kanya raw ipagkakatiwala ang ilang negosyo ng kanilang pamilya, pero supportive daw ang mga ito sa pagpasok niya sa showbiz.

Saad niya, “I’m the second of four kids. Since tapos na ako sa pag-aaral, they expect me to get into our business agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I said na gusto kong subukan ulit ang showbiz. I want to experience working as an actor.

“I realized na hindi pala puro pagpapa-cute o papogi ang showbiz, it’s hard work din.

“I told my parents na I’m giving myself until I’m 30 to be in showbiz.

“Pero kung kaya ko namang pagsabayin ang showbiz and working sa business namin, gagawin ko.

“What’s good is very supportive naman ang parents ko sa gusto ko.

“Desisyon ko na raw kung kailan ako ready to work sa business namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN