Marian Rivera denies getting jealous after marrying Dingdong Dantes

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on handling issues and controversies: "Siguro sa tagal ko sa showbiz na paikot-ikot, natuto na ako. Tsaka may mga pagkakataon, yung mga intriga, siguro may mga pagkakataong tumahimik ka na lang na hindi mo naman kailangang ipaliwanag, i-build up ang sarili mo. Pero may mga pagkakataon sigurong kailangan ding magsalita."


Mas naging selosa ba si Marian Rivera mula nang ikasal sila ni Dingdong Dantes?

Ito ang tanong sa Kapuso Primetime Queen matapos lumabas ang diumano'y snubbing incident sa pagitan nila ng kapwa Kapuso at Triple A artist na si Andrea Torres.

Ayon sa ulat na inilabas ng PEP, selos ang dahilan ng pang-iisnab ni Marian kay Andrea sa backstage ng Sunday Pinasaya noong Marso.

Si Andrea ang isa sa leading lady ni Dingdong sa nagwakas nang primetime series ng GMA Network, ang Alyas Robin Hood, na tumagal ng limang buwan sa ere.

Read: PEP SCOOP. Marian Rivera and Andrea Torres allegedly involved in snubbing incident

Sa panayam ng PEP kay Andrea sa isang event kahapon, May 18, iwas siya nang matanong tungkol sa isnaban diumano nila ni Marian.

Pero sabi ng sexy actress sa huli, "Wala, walang issue.”


Stories We Are Tracking

Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera
Andrea Torres evasive about alleged rift with Marian Rivera

MARIAN ANSWERS. Ngayong Biyernes, May 19, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa press conference ng Tadhana, ang bagong weekly OFW-themed drama anthology ng GMA Public Affairs, kung saan siya ang host.

Dito ay tinanong kung mas naging selosa ba siya pagkatapos nilang ikasal ni Dingdong.

Natatawang sagot ng tinaguriang Kapuso Primetime Queen, "Baligtad!”

Ang ibig sabihin ng aktres ay mas seloso si Dingdong.

Muling tinanong ang aktres kung nagselos na ba siya mula nang ikasal sila ni Dingdong noong December 30, 2014.

Sagot niya, "Wala, dyusko! May nababalitaan ba kayo?

"Kawawa naman ang asawa ko, di ba?

"May mga pagkakataon... alam naman natin ang nature ng mga babae, pero hindi ka naman magre-react sa isang sitwasyon kung wala ka namang nakikita. Ganun naman ang mga babae.

"So, sa lalaki, ganun din naman.”

Nagkaisyu ba talaga sila ni Andrea?

"Wala naman,” pakli ni Marian.

WHEN TO SPEAK UP. Ilang sandali pagkatapos lumabas dito sa PEP noong Marso ang ulat tungkol sa diumano'y snubbing incident nina Marian at Andrea, nagkaroon ng maiksing palitan ng mensahe sa Twitter ang dalawa, na tila pagpapatunay na walang isyu sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian tungkol dito, "Yun na nga, di ba?

"Alam ko din naman ang ganyang pagkakataon, especially magbu-book two ang [Alyas] Robin Hood, may ganyan na naman.”

Kasama pa rin sa cast ng Book 2 ng Alyas Robin Hood si Andrea.

Paano hinaharap ni Marian ang mga isyung ipinupukol sa kanya, kagaya ng pagiging selosa?

Sagot ng 32-year-old actress, "Nung una siguro, nung baguhan ako, mahirap.

"Siguro sa tagal ko sa showbiz na paikot-ikot, natuto na ako.

"Tsaka may mga pagkakataon, yung mga intriga, siguro may mga pagkakataong tumahimik ka na lang na hindi mo naman kailangang ipaliwanag, i-build up ang sarili mo.

"Pero may mga pagkakataon sigurong kailangan ding magsalita.”

Magsisimula ang Tadhana sa Sabado, May 20, pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN