Janella Salvador clears mom Jenine Desiderio's cryptic tweets issue: "Kung anuman yun, it's fixed na."

IMAGE Instagram account of Elmo Magalona / James Patrick Anarcon (Janella)

Janella Salvador on her mom Jenine Desiderio's cryptic tweets allegedly alluding to Elmo Magalona: "It's done na. Kung anuman yun, it's fixed na. I'm not saying it's him. Wala, I don't want to talk about it. Done na naman, saka close naman sila."


Matatandaang nitong nakaraang Pebrero ay nag-tweet ng maaanghang na salita ang singer/actress at theater performer na si Jenine Desiderio patungkol diumano sa isang lalaki na nanliligaw sa kanyang anak na si Janella Salvador.

Di man niya ito pinangalanan, inakala ng marami na ang kapareha ni Janella na si Elmo Magalona ang pinatatamaan ni Jenine sa kanyang tweets, na siyang ikinabahala naman ng mga ElNella (Elmo-Janella) fans.

Read: Is Jenine Desiderio referring to Elmo Magalona in her loaded tweets?

Pero mukhang kung anuman ang naging gusot at di pagkakaunawaan noon ay naayos na ngayon, kahit na walang ginawa silang direktang pag-amin tungkol sa isyu.

Read: Janella Salvador clears Elmo Magalona in mom Jenine Desiderio's cryptic tweets

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Janella at Elmo sa nakaraang rehearsal para sa 25th anniversary ng Star Magic nung nakaraang Sabado na ginanap sa bakuran ng ABS-CBN, masayang nagkuwento ang dalawa na inaya pala ng dating Miss Saigon star si Elmo na sumama sa kanilang pamilya para sa selebrasyon ng kapatid ni Janella na binabalak pa nilang gawin sa ibang bansa.

Kuwento ni Elmo, “Mabuti actually may pupuntahan kami for Janella’s brother'S birthday, sasama ako sa family trip nila so excited ako for that.

“Ako masaya ako, kasi I got the opportunity to spend birthday ng brother ni Janella and kasama ako.

“It makes me feel special.”

Hirit naman ni Janella, “It’s out of the country. My mom's like, 'You can tell Elmo to come.'”

MUM ON CRYPTIC MESSAGE ISSUE. Nang tanungin namin ang tungkol sa cryptic messages ng ina, umiwas na ang dalawa na pag-usapan pa ang tungkol dito.

Ayon kay Janella, “It’s done na. Kung anuman yun, it’s fixed na.

“I’m not saying it’s him. Wala, I don’t want to talk about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Done na naman, saka close naman sila.”

Dagdag ni Elmo, “Kung anuman yung pinagdaanan nila, tapos na.

“Nakakausap ko naman si Janella, she doesn’t believe.

“Mukhang wala na naman yun for her at all.

“Yeah, I got to talk to Tita Janine a lot.

“Parang during that time, di ko ko siya masyadong nakausap, so di ko na-clarify.

“Parang wala naman siyang ano about it.”

BASHERS. Kasama ang ElNella sa upcoming serye ng ABS-CBN, ang Kung Kailangan Mo Ako, kunsaan makaka-love triangle nila si Joshua Garcia.

Sa ngayon pa lang ay nakakatanggap na ng katakut-takot na pamba-bash si ElNella partikular na si Janella mula sa mga tagahanga nina Julia Barretto at Joshua.

Kibit-balikat ni Janella, “I don’t think we can avoid that, but I just want them all to know that we’re excited working together and it’s a happy thing.

“Wag na sana mag-away-away.”

Kontra naman ni Elmo, “Hindi, mas okay yun. Mas okay na may away para abangan.

“Basta, magkakaroon ng maraming twists sa show na dapat talaga abangan nila.”

PREPARATIONS. Sa ngayon nga ay pinaghahandaan na ng dalawa ang nasabing serye kunsaan dito pala ang kauna-unahang pagkakataong sasabak si Janella sa straight drama.

Ayon sa aktres, “We haven’t started taping, but hopefully mid-year mag-air na siya.

“Super excited coz it’s my first super drama soap talaga, kasi puro light recently yung mga ginawa ko – OMG, Be Careful [With My Heart], so first time kong magdadrama talaga dito.”

Pahayag naman ni Elmo, “Excited siyempre, kasi this is our next project together, kami ni Janella.

“Exciting kasi ang daming bago sa cast na makakatrabaho.

“Sobrang pinaghahandaan talaga namin na hindi pa namin siya nauumpisahan.

“Super preparing for it, kasi hayun nga, iba na naman ang papakita namin dito.

“It’s different side of me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN